Sofia nag-sorry sa pagrerebelde
Sofia
Sofia nag-sorry sa pagrerebelde
SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2020 - 12:00am

Mahigit isang buwan na ang nakalilipas nang aminin ni Sofia Andres na mayroon na siyang anak. Masaya ang relasyon ng aktres at kasintahang si Daniel Miranda. Ayon kay Sofia ay talagang tutok daw ang nobyo sa pag-aalaga sa kanilang supling na si Zoe. “Lagi niya chine-check ‘yung temperature almost everyday. Kapag may sipon, dala agad sa doctor. Siya ‘yung mas sensitive and mas OC. I am grateful for my family, for my partner and for Zoe. Sobrang nagpapasalamat ako na meron akong katulad nila sa life ko,” bungad ni Sofia.

Mas naiintindihan na raw ngayon ng aktres kung bakit naging istrikto ang kanyang mga magulang noong kabataan niya. “Siyempre kapag babae ang anak, they will do everything para protektahan ka. Dati galit na galit ako sa kanila. Nagrebelde ako and all that. But now, I really appreciate everything kung gaano nila ako kamahal. Now I am giving it back. I said sorry naman to them for what happened kasi hindi naman din sinasadya. But they said naiintindihan naman nila and blessing daw ‘yung bata. Okay na sa akin ‘yon, the fact na na-forgive nila ‘yung nagawa ko. At least now I understand bakit sila gano’n,” pagbabahagi niya.

Kahit mayroon ng isang anak ay hindi naman nagmamadali sina Sofia at Daniel na magpakasal. “Nag-agree kami sa isa’t isa na we don’t have to rush things. Mas maganda kasi na mas makilala pa namin ang isa’t isa and to actually establish the bonding with him and Zoe,” pagtatapos ng aktres.

Luis, abala sa paghahanap ng lilipatang trabaho ng ABS-CBN employees

Sobrang ipinagmamalaki ni Jessy Mendiola ang kasintahang si Luis Manzano dahil sa ginagawa nitong pagtulong sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho. Kahit nawalan na rin ng trabaho ang magkasintahan sa Kapamilya network ay abala ngayon si Luis sa paghahanap ng iba’t ibang kompanya na pwedeng malipatan ng mga empleyado ng ABS-CBN. Halos araw-araw kinakausap ni Luis ang mga kaibigang may sari-ling kompanya o nasa ibang kompanya upang magtanong kung may job vacancies. Agad ding ipinaaalam ni Luis sa mga empleyado ng ABS-CBN ang mga job vacancies sa iba’t ibang kompanya sa pamamagitan ng isang Facebook group.

Bilang pagpupugay sa kabutihang ginagawa ni Luis ay nag-post si Jessy sa kanyang Instagram stories. “This man has been working on the phone for the past three days. Meron siyang ginagawang job fair group kasama ang iba niyang kaibigan, para mailipat at makatulong sa ibang Kapamilya employees na nawalan ng trabaho. Alam ko na hindi ko na dapat ito i-post, pero sobrang proud ako sa ‘yo love. You’ve been putting others first before yourself. Ang pinakaunang reaksyon mo no’ng unang nahatulan ang denial ng franchise renewal ‘paano ang staff ko’ (meaning paano ang staff niya sa mga shows niya). Hindi ka nagpo-post about it kaya ako na lang. Sinasabi ng iba tahimik ka lang daw sa kasagsagan ng nangyayari. Ang hindi nila alam, gumagalaw ka na pala para sa mga nawalan ng trabaho. Hindi man lahat matutulungan mo, ang importante, ginagawa mo lahat ng makakaya mo. Sobrang buti ng puso mo. Sobrang thankful namin sa’yo. Maraming salamat @luckymanzano. Mahal na mahal ka namin,” post ni Jessy.

SOFIA ANDRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with