^

PSN Showbiz

Kapamilya stars, employees, fans, nagpaplano ng malakihang rally

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kapamilya stars, employees, fans, nagpaplano ng malakihang rally
Ces Drilon

Ilan sa mga Kapamilya employees na napagtanungan namin ang nagkuwentong magmula nang in-announce na magkakaroon na ng retrenchment sa katapusan ng August, hindi na raw nagsipasukan ang mga karamihang empleyado.

Sobrang baba na raw ng morale ng karamihan sa kanila at nawalan na sila ng ganang magtrabaho.

Ipinost nga ni Ces Drilon sa kanyang Twitter account na hindi niya malaman kung paano sabihin sa kagrupo niya sa ANC na matatanggal na sila at ganoon din naman ang kanyang programa.

Magpapaalam na rin ang Rated K ni Korina Sanchez at magsusunuran na ang ibang programa. Hindi nga raw alam ng mga taga-HR department kung paano ito nila ipaparating sa mga empleyadong matatanggal. Kahit nga raw mismo sa HR ay magtatanggal din sila. At ang pinakamasakit, ang ibang nagtatrabaho roon ay nagkasakit pa ng COVID-19 na ang iba ay milyon na raw ang inabot ng bill sa hospital.

Nilinaw ng mga taga-Kapamilya network na magkakaroon naman daw ng separation pay na naaayon sa batas at retirement benefits.

Kasabay na rin nito, suspendido na raw ang kontrata ng mga Kapamilya Stars sa ABS-CBN 2. Ilan sa mga Kapamilya talents ang nag-post ng pagkalungkot sa mga empleyadong matatangal.

Ipinost ni Angel Locsin sa kanyang Facebook account ang official statement na ito ng ABS-CBN 2 at may caption siyang tatlong broken heart emoji.

Ang magkaibigang Vice Ganda at Karla Estrada ay nagpahayag din ng pagkalungkot.

Sabi ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account; “Mahihirapan ngunit kakayanin. Madadapa ngunit babangong muli.”

May mga programa pa namang maiiwan sa Kapamilya Channel.

Kasisimula nga lang ng bagong tele­seryeng Walang Hanggang Paalam, at inaasahang mayroon pang mga kasunod pagkatapos ng umeere ngayong teleserye.

Samantala, narinig naming magkakaroon ng malakihang rally ang mga taga-ABS-CBN 2 na maglalakad daw mula Quezon City hanggang Makati.

Abangan na lang natin kung matutuloy ito.

Derek tinuturuan si Andrea ng muscle memory

Habang hinihintay ng magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres ang pagsisimula ng bagong action serye nilang Sanggang Dikit, nagba-bonding muna sila sa paglalaro ng golf na kahit sa bahay lang daw ay nagagawa naman daw nila.

“Tinuturuan pa rin niya akong mag-golf. Kahit nasa bahay kami, tinuturuan niya ako ng swing para magkaroon ako ng muscle memory,” pakli ni Andrea nang nakapanayam ito sa YouTube channel ng Kapuso Girl.

“Andiyan din yung bonding with the family, madalas ko siyang nilulutuan ng mga simpleng lutong bahay lang. Nanonood ng Netflix, minsan andun lang kami sa village nila, nagjo-jogging, mga ganoon lang na I’m sure mami-miss din namin pag naging busy na. We just make the most out of it and we stay positive para rin healthy kami mentally,” dagdag niyang pahayag.

Kalilipat lang ni Derek sa bagong bahay na ipinatayo niya sa Alabang at sinasabi naman niyang si Andrea na ang babaeng gusto niyang makakasama roon.

Kaya sinasabi naman ni Andrea na paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa Diyos na

dumating na ang lalaking inilaan sa kanya.
“Ito talaga yung isa na nasa top ng list ko pagdating sa mga bagay na grateful ako kasi syempre blessing na nga na nabigyan ka ng partner, ng taong mamahalin mo at mahal ka, parang nakadagdag pa roon na lumaki yung pamilya mo,” saad pa ng Kapuso sexy actress.

Samantala, bahagi pala rito sa Sanggang Dikit nina Derek at Andrea si Paolo Contis na bentang-benta ngayon sa netizens dahil sa pelikulang Through Night and Day at ang Pangarap Kong Holdap na nag-hit sa Netflix.

vuukle comment

CES DRILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with