ABS-CBN
ABS-CBN plantsado na ang pagtatanggal ng mga trabahador!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2020 - 12:00am

Owww, sad naman.

Mag-uumpisa na ang ABS-CBN na magtanggal ng mga trabahador simula sa August 31.

Kahapon nga ay naglabas na sila ng official statement tungkol dito.

“Dahil sa desisyon ng Kongreso na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, humantong na ang network sa mahirap at masakit na desisyon na itigil ang operasyon ng ilang negosyo nito at simulan ang proseso ng pagbabawas ng empleyado simula 31 Agosto 2020.

“Ginagawa namin ang lahat para maibsan ang sakit na mararamdaman ng mga maapektuhan, kabilang ang pagbibigay sa kanila ng separation pay na naaayon sa batas at retirement be-nefits, at mga programang tutulong sa paghahanap nila ng bagong trabaho.

“Mahirap na pakawalan ang aming mga Kapa-milya sa panahong walang kasiguruhan at puno ng pangamba dahil sa COVID-19, ngunit ito ay isang desisyong kailangan naming gawin. Bagama’t masakit, ito lamang ang paraan upang matiyak pa ang trabaho ng ibang mga Kapamilya.

“Ipinagdarasal namin ang mga mawawalan ng hanapbuhay at ang kanilang mga pamilya. Sana’y pagkalooban kayo ng lakas ng loob sa pagharap sa mga darating na pagsubok. Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng inyong ginawa para sa ABS-CBN. Maraming salamat po, Kapamilya,” ang buong pahayag ng network.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with