^

PSN Showbiz

Pauleen, kasundo na lahat ng anak ni Vic

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pauleen, kasundo na lahat ng anak ni Vic
Vic at Pauline

Hindi man naging maganda ang relasyon noon ni Pauleen Luna sa ilang anak ni Vic Sotto, ngayon ay ibang-iba na.

Malaking bagay din siguro ang magandang pakikisama ni Pauleen sa mga stepchildren niya kaya okay na okay na sila ngayon.

Pati nga si Angela Luz na hindi rin naging maganda ang pakikitungo dati kay Pauleen, ngayon ay friends na sila na parang walang nangyari.

Tuwang-tuwa si Pauleen nang tinanong daw siya ni Paulina kung alam niyang magkulot ng buhok, kaagad umoo si Mrs. Sotto dahil alam nilang type talaga ni Pauleen na mag-ayos ng buhok.

Kaya nung nagpa-maternity shoot si Paulina, si Pauleen ang nag-ayos ng buhok nito.

Ipinost ni Angela na nagpasalamat sa hairstyle na ginawa ni Pauleen sa kanyang anak, at ganundin si Paulina.

Sa totoo lang, na-enjoy nang husto ni Pauleen ang mga ginagawa niya ngayong naka-quarantine pa rin tayo.

Skeletal pa rin kasi sila sa Eat... Bulaga at iilan lang muna ang kasali sa naturang noontime variety show.

Naka-Zoom pa rin si Bossing Vic, kaya siya ang tumatayong writer doon at parang PA na rin ng asawa.

Na-enjoy din ni Pauleen ang role niya bilang mommy ni Talitha at natutuwa siyang nakikita niya ang paglaki ni Tali.

“If there’s one thing that I’m grateful about this quarantine, it’s that I got to experience how to be fulltime mom (and wife) and see you grow into this talented, beautiful, kind and loving kid. Looking at you give me this mixed feeling of peace, accomplishment, hope and inspiration.”

Female celeb nakipagkantahan matapos mag-noise barrage

Nairita ang ilang nagtatrabaho sa ABS-CBN 2 nang nalaman nilang pagkatapos sumali sa caravan at noise barrage ng isang female celebrity kaugnay sa nangyari sa franchise ng ABS-CBN 2, parang wala lang na nakipag-karaoke na raw ito sa mga kaibigan niya.

Napansin nga nilang hindi nila pina-practice ang social distancing na talagang nagkasiyahan daw silang nagkantahan sa karaoke ng isang kaibigan.

Sabi ng ibang kasama, baka nagtanggal lang daw ng stress dahil sa pagka-deny sa franchise ng ABS-CBN 2 kaya nakipagkantahan na lang.

Pero na-off ang iba dahil parang palabas lang daw ang lungkut-lungkutan nito nang nabalitaang na-deny ang franchise.

May post pa ito sa kanyang IG account, tapos lingid sa kaalaman ng iba, nag-enjoy na ito sa kantahan kasama ang ibang kaibigan.

All-out naka-7 pagbalik

Naka-7 percent ang All-Out Sundays noong nakaraang Linggo.

Maganda naman kasi ang kinalabasan kahit naka-Zoom sila.

Marami ang natuwa sa  game na sinalihan nina Ken Chan at Rita Daniela at pati sina Ruru Madrid at Bianca Umali na tinutukso nina Paolo Contis at Betong Sumaya. Pinromote rin doon ni Bianca ang kanyang bagong single na Kahit Kailan.

Isa sa magandang segment sa AOS ay ang Four to Win na kinarir nina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Thea Ashley at Golden Cañedo.

Inabangan din ng fans ni Julie Anne ang bagong release niyang single na Bahaghari na kung saan nakipag-collab siya kay Gloc 9.

Ng-number one ito agad nang ni-release ito noong nakaraang Biyernes sa iTunes PHs All Genres Chart.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with