^

PSN Showbiz

Zsa Zsa everyday pa ring nami-miss si Dolphy

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na pala naka-lock-in sa taping ng Love Thy Woman si Zsa Zsa Padilla kaya naman kahapon ay nakapunta ang Divine Diva sa Heritage Memorial Park sa Taguig City para dalawin ang puntod ng yumaong long-time partner na si Dolphy.

Bale kahapon ang 8thdeath anniversary ng tinaguriang King of Philippine Comedy.

Nag-post din si Zsa Zsa sa kanyang social media accounts ng pagdalaw niya sa puntod ni Mang Dolphy.

 “Today marks the 8thdeath anniversary of Dolphy. Please say a little prayer for him. I miss him everyday and I know that he is always with me in spirit. 

“Please write a little something below to let me know how his life work has influenced you or your parents/grandparents.  I’ll be so happy to know how he has put laugher in your hearts. That way, his memory lives on. God bless you!”

‘Yan ang caption ni Zsa Zsa sa tatlong litratong pinost niya na kinunan sa puntod ng yumaong partner.

Premyadong aktres, hindi naniwala sa result ng rapid testing

Hindi raw accurate ang result sa COVID-19 rapid testing ng isang premyadong aktres, kaya hindi raw siya nakapag-lock-in kaagad para sa isang taping.

Pero nag-swab testing naman daw uli ang premyadong aktres at negative ang resulta.

So, nagte-taping na raw ngayon ang premyadong aktres.

Well, nice to hear that!

Martin tuloy na ang concert sa bahay

One week ding hindi nakapag-Martin In The House ang Concert King na si Martin Nievera.

Na-busy si Martin sa ASAP Natin ‘To dahil bukod sa live show nila noong Sunday ay ilang araw din silang nag-taping.

May iba ring inasikaso si Martin, pero mamayang gabi, nangako si Martin na live na uli sila ng twin-sister niyang si Vicki Nievera sa kanyang official Facebook page.

 Nag-message rin sa akin si Vicki at sinabing, “Hello! We are on FB live Saturday! See you there. Spread the word!”

Pangako naman ng Nievera twins na basta kaya nila ay hindi nila ititigil ang online show nila dahil sobrang daming nagre-request na huwag nilang tigilan ‘yon! Ang bongga! ‘Yun na!

ZSA ZSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with