Kim
STAR/ File
Taping ng Love Thy Woman na-pack-up, Kim na-allergy sa seafood
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

Na-pack up pala ang taping kahapon ng Love Thy Woman.

Ito ay matapos diumanong makakain si Kim Chiu ng bawal sa kanyang allergy ayon sa isang source. Yup, sumama raw ang pakiramdam ni Kim habang nasa taping.

Maalalang allergy si Kim sa sushi at oras daw na may makain itong ganun, inaatake ito ng allergy.

Ewan ko lang kung isinugod siya sa ER.

Kuwento nga noon ng sister niyang si Ate Kim Chiu, sobra ang allergy ni Kim sa seafood. Oras daw na nakatikim na ito, hindi ito nakakahinga at namamaga na ang mga mata.

Kaya naman suki na raw si Kim ng ER. Kahit daw kasi katiting na seafood, inaatake ito ng allergy.

Banggit pa noon ni Ate Kam, gusto sana nilang i-train ang katawan nito sa seafood, sa pamamagitan ng pagkain ng pakonti-konti. Pero hindi pa raw talaga pumwede.

Ang isang nalampasan ni Kim ay ang pagiging hikain. Ngayon ay certified duathlete na siya.

Sana lang hindi grabe ang allergy ng Kapamilya actress dahil iniiwasan ngayon ng lahat ang ER dahil parami nga ang nasa hospital dahil sa coronavirus na kahapon ay 1,540 ang reported new cases kaya umabot na sa 47,873 ang total number of COVID-19 cases sa ating bayan.

Anyway, isa nga ang Love Thy Wo­man sa iilang programa ng ABS-CBN na nagbalik sa new normal taping (lock-in) kaya ingat na ingat ang lahat.

KIM CHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with