^
CNN Philippines mawawala muna se ere, staff nag-positibo sa COVID-19
Logo ng CNN Philippines
Mula sa Facebook page ng CNN Philippines

CNN Philippines mawawala muna se ere, staff nag-positibo sa COVID-19

(Philstar.com) - July 7, 2020 - 7:07pm

MANILA, Philippines —  Matapos mawala sa ere ng ABS-CBN dahil sa isyu ng prangkisa, isa pang free-to-air television network ang mawawala pansamantala sa ere — sa pagkakataong ito, dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

May kinalaman: 'Cease and desist': ABS-CBN ipinatitigil nang mag-operate ng NTC

Ito ang ibinalita ng himpilan sa isang pahayag na kanilang ipinaskil sa Facebook, Martes nang hapon.

"Nakatanggap kami ng balita na isang miyembro ng aming utility staff ay nag-positibo sa COVID-19," sabi ng CNN Philippines sa Inggles.

"Bilang pag-iingat at para sa kaligtasan ng lahat, pansamantala kaming mawawala sa ere simula ngayong gabi para i-disinfect ang CNN Philippines office sa Mandaluyong."

 

 

Sa kabila niyan, nangako naman ang network na patuloy pa rin silang maghahatid ng napapanahong balita sa pamamagitan ng social media.

Matatandaang itinigil din ang operasyon ng CNN Philippines noong Marso 2020 matapos makumpirma ang COVID-19 case sa parehong gusali kung saan matatagpuan ang kanilang tanggapan.

"Pinaghandaan namin ang kagipitang ito. Marami sa aming mga kasamahan ay naihiwalay na sa iba at nagtratrabaho na sa kani-kanilang bahay," dagdag pa nila.

"Ginawa namin ito kung sakaling may mangyari katulad nito. Patuloy magtratrabaho ang team ng CNN Philippines at mangangalap ng balitang may kabuluhan sa inyo."

Kasalukuyang umabot na sa 47,873 na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling tala ng Department of Health (DOH). Sa bilang na 'yan, 1,309 na ang patay. — James Relativo

CNN PHILIPPINES MEDIA NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with