^

PSN Showbiz

Loisa at Ronnie, nilinaw ang isyu ng pagli-live in

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Loisa at Ronnie, nilinaw ang isyu ng pagli-live in

May bulung-bulungan na nagsasama na diumano sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa iisang bubong.

Agad namang nilinaw ng magkasintahan ang tungkol sa isyung ito. “Hindi po, gano’n lang namin kamahal ang isa’t isa. Lagi kaming magkasama kaya akala nila mag-live-in na kami. Kasi lagi kaming magkasama. Kasi kami ni Ronnie parang magkapitbahay lang kami, Laguna and Cavite. Kumbaga isang exit lang, parang 30 minutes away lang po ‘yung bahay namin,” paglilinaw ni Loisa.

Tatlong taon nang magkasintahan sina Loisa at Ronnie kaya naman napag-uusapan na rin daw ang tungkol sa kasal.

“Lagi naman, lagi ko naman sinasabi sa kanya na nararamdaman ko iyon. Alam naman niya ‘yon. Siyempre kami, alam naman naming madami pang pagsubok ang pagdadaanan. Hindi pa gano’n kahaba ang relasyon namin pero alam naman po namin sa isa’t isa na kaya. Lagi ko po sa kanyang pinapaalala araw-araw, pagda­ting ng araw, magkasama na kami sa isang bahay, magpapakasal kami. Excited na ako sa pwedeng mangyari soon sa aming dalawa,” makahulugang pahayag naman ni Ronnie.

Maging ang pagbuo ng sariling pamilya ay napag-uusapan na rin daw ng magkasintahan ngayon.

“Gusto namin basketball team (ang dami ng anak),” pagtatapos ni Loisa.

Coco at Richard first time ang pagsasama

Napapanood na tuwing gabi si Richard Gutierrez sa teleseryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Bilang pangunahing bida at isa sa mga direktor  ay talagang pinaghandaan daw ni Coco ang pagkakapasok ni Richard sa serye. “Sinigurado namin na mabibigyan namin siya ng magandang kwento. Sa haba ng pagsasama ni Cardo at Alyana, ito na siguro ang pinakamabigat at pinakamasakit na maaaring mangyari sa kanilang dalawa. Dito mararamdaman ni Cardo kung ano ‘yung pagkukulang or ano ‘yung mga bagay na wala siya,” pagbabahagi ni Coco.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatrabaho sina Coco at Richard sa isang proyekto.

Malaki ang pasasalamat ni Coco kay Richard dahil sa pagiging propesyunal nito sa trabaho.

“Napaka-humble pala niyang tao, napakabait, napakasimple. Kahit first day pa lang namin, grabe siya makisama hindi lang sa mga artista kundi sa lahat ng mga staff and crew. Maraming-maraming salamat. Kung alam mo lang, sobrang saya ng lahat ng mga staff, crew at mga artista na makasama ka namin lalo na na nakikilala ka namin ngayon. Natutuwa kami kasi napakagaling mo makisama. ‘Yung pagiging professional mo, hinahangaan ko iyon. Maraming salamat at pinagbigyan mo kami at pinapangako namin sa’yo na pagagandahin natin ang proyektong ito,” nakangiting pahayag ni Coco. Reports from JCC

 

vuukle comment

LOISA ANDALIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with