^

PSN Showbiz

Bea inaalala kung paano naabot ang mga pangarap

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bea inaalala kung paano naabot ang mga pangarap
Bea

Ang gaganda ng back stories ng Kapamilya stars.

Majority kasi sa kanila ay natupad ang pangarap nang maging artista ng ABS-CBN.

Bukod sa sumikat, talagang umasenso ang buhay nila at ng kanilang pamilya.

Kabilang si Bea Alonzo sa inalala kung paano siya nag-umpisa at natulungan ng network na nahihirapang makakuha ng panibagong franchise.

“These were pictures of me when I was a teenager auditioning to be part of a new show of ABS-CBN. Nakakamiss. Hindi ko maiwasang hindi bumalik sa simula.

“Yung mga panahong iniisip ko lang na abutin yung mga pangarap ko, suportahan ang pamilya ko. ‘Yung mga panahong iniisip kong posible ang lahat. Malaki ang pinagbago ng buhay ko dahil sa ABS-CBN. Pero alam n’yo na ‘yun. Alam n’yo nang naitaguyod ko ang pamilya ko dahil sa tulong nila, at alam n’yo na ring malaki ang natutunan ko sa aspeto ng pag-arte dahil sa mga taong nakatrabaho ko mula dito.

“Alam n’yo nang lahat yun. Siguro, ang hindi ninyo alam, maski ako, nagtatanong, bilang Pilipino, ano ba ang tama? Ano ba ang ikabubuti ng karamihan?

“Ang alam ko lang, sa halos dalawang dekada ng buhay ko, hindi ko na mabilang kung ilang tao sa paligid ko ang nabigyan ng pagkakataong makapaghanap buhay ng maayos at makatulong sa kanilang pamilya dahil sa ABS-CBN. Kabilang ako dun.

“Gusto kong magdasal para sa desisyong magbabago ng maraming buhay. Nawa’y gabayan tayo ng Maykapal.

“Kahit anong mangyari, babalik ako sa simula, kahit saan ako dalhin, ako’y isang kapamilya, nakaukit yan sa puso ko. #IbalikAngABSCBN

Hindi lang actually si Bea ang may ganitong story kundi marami pang ibang sumikat sa network na malalaman na this week ang magi­ging kapalaran ng franchise na dumaan hindi lang sa butas ng karayom.

Kaya ang sigaw ng mga artista at mga nakapa­ligid sa kanila, #IbalikAngABSCBN.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with