Martin
STAR/ File
Martin dinasal na ang lahat ng alam na dasal para sa mga kongresista
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

Liza iyak nang iyak

Naka-schedule na bukas, Monday, ang botohan ng committee members ng franchise renewal ng ABS-CBN. Kung lulusot, pagbobotohan ito ng buong Congress at saka ipapasa sa Senado.

At kung papasa sa Senado, makakarating ito kay President Duterte.

Matindi na ang pagdarasal ng Kapamilya stars para makakuha sila ng panibagong franchise sa kabila ng mga pangyayari sa hearing nito kung saan kinalkal ang lahat ng aspeto ng network.

Kaya naman kahapon bukod sa dasal, hashtag ng lahat ang #VoteYesToABSCBN and #ABSCBNDeservesAFranchise.

Si Martin Nievera sumulat pa - ‘To all dear congressmen and congress women, your honors.

“Just wanted to share a letter I wrote the other day to our congressmen and congress women. I felt like hey I have nothing to lose by just respectfully asking them all to please look deep into their hearts when they make the final decision on Monday. Please help us pray that we are given a second chance to prove that we can be better stronger and still serve the Filipinos all over the world. Please pray that all the employees as well as those who have followed us all on ABS-CBN will not be punished for whatever mistakes made in the past that can so be corrected if given this chance,” ang description niya sa kanyang sulat na nakasaad sa last part na : “With every ounce of humility that I can muster I beg you, please give us a chance to be better, to correct our mistakes. Let us work together in harmony from this day forward. Help us help you make this a better Philippines by keeping us on the air. I know the decision lies in your hands, so with every prayer I can remember I pray you all make the right decision where it’s a win win for all concerned.”

Samantala, iniyakan naman ni Liza Soberano ang isang text message na natanggap niya noong isang araw. Ang hula ng kanyang ibang followers, natanggap na nito ang advice na suspended na ang contract ng lahat ng Kapamilya stars at pinapayagan na silang magtrabaho sa ibang network. “I received what was probably one of the most heart breaking text messages from one of our leaders in ABS-CBN. The little fan girl in me is probably crying so hard right now. I grew up watching the Kapamilya channel and almost all of their telserye,” tweet niya the other day.

“To all of my loving supporters, if it’s not too much to ask, and if ABS-CBN has ever positively impacted you in one way or another, I humbly ask that you please pray for the company and all of its employees,” ang magkasunod na tweet ni Liza.

Confirmed nga na suspended na ang contract ng lahat ng Kapamilya stars dahil nga sa pinagdaraanang krisis ng network unless pumasa ang bagong franchise nito na malalaman ang kapalaran bukas.

Nauna nang umapela si Buhay party-list Rep. Lito Atienza na : “Husgahan natin on the basis of their contribution to national development and the protection of the rights of every citizen and public service.”

Kung sabagay, natalakay, nabusisi, at nasagot na ang mga isyung binato sa network sa Kamara kaya siguro naman talaga dapat nang magbotohan.

Well, ang apela ng netizens, isipin na lang sana ng mga bobotong kongresista na hindi lang naman ang sinasabing 11,000 plus plus workers ang maaapektuhan kundi ang mga masang nanonood ng kanilang mga programa lalo na sa mga probi-pro­binsiya.

Pagpapa-dentista, pagpapa-beauty may extra cost na

Ang expensive na pala ngayong magpa-dentist. May additional 1,000 pesos every visit ayon sa isang friend ko na kinailangang pumunta sa dentista.

Let say kung dati ay P800 daw ang cleaning ng ngipin, ngayon, P1,800 na. Basta lahat daw ng procedure, additional P1,000 na dahil ang patient ang magso-shoulder ng PPE.

So kung may papagawa ka raw sa dentist, dapat isang puntahan na lang para hindi masyadong magastos.

Ganundin ang set up sa beauty clinic. Walang pinapapasok ang mga beauty clinic na hindi nagpa-rapid test na shoulder ng client. So additional P1,000 din daw ‘yun.

So kung may papagawa ka raw, ganundin, isahan na lang.

Gone are the days na puwedeng every week nasa beauty clinic ka para mag-relax or mag-unload ng stress.

Sa mga fine dining restaurant, feeling safe ka. ‘Yun nga lang, malungkot ang paligid dahil iilan-ilan lang ang kumakain.

Limited na rin ang nasa kanilang menu at lalong wala nang buffet set up. At mga waiter, alternate na rin ang schedule.

Pero ang mas kawawa, ang mga valet driver. Wala nang gustong magpa-valet ng kotse sa kasalukuyan sa takot na baka infected ang valet driver. ‘Yung ganung fear ang tatalo sa nararamdaman mong awa sa kanila.

Kawawa rin sa kasalukuyan ang mga therapist sa mga spa. Sa kasalukuyan ay bawal na bawal pa sila dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing.

Marami na of course nakaka-miss sa mga masahista sa mga spa na nanatiling sarado pa hanggang sa kasalukuyan.

Ganundin ang coach sa mga gym. Wala ring naglalakas ng loob na mag-gym at magpa-coach since the enhanced community quarantine, sa takot pa ring mahawa sila.

Sharon inilantad ang blueprints ng ipatatayong mansiyon

Wow, talagang pinatutunayan ni Ms. Sharon Cuneta na isa siyang bilyonarya.

Pinakita niya sa kanyang followers ang blueprints ng ipagagawa niyang bagong bahay na magiging forever home nila na parang mansiyon sa kuwento pa lang niya.

“Finally finished signing ALL PAGES of the blueprints to our new house. Rebuilding the house I had demolished years ago to change from a vacation home into a forever home. This photo shows only about 1/6 of all that I signed.

“Add to those the other papers bookbound I had to sign every page of too! Hope we get the building permits soon. Am really building this for my babies.

“When the original house was demolished, it took with it all their memories. It has taken us years to start rebuilding the new one because I got into debt of hundreds of millions. Now am okay. I pray that we are able to complete this before they all grow up, get married and move out!

“May it be a blessed, happy home. Less house, more home. It was originally going to have 3,500sqm of floor area. Not anymore!!! Thank You, Lord for giving us another chance to give our children this home. We praise and glorify you everyday! (Thanks to all of you who told me the location was showing! Though it is a tightly-guarded, gated Ayala community like Ayala Alabang, Dasma and Forbes are.).”

Just wow. Imagine sa kalagitnaan ng pandemic, ang pagpapagawa ng bahay ang iniisip ni ate Shawie.

Kung sabagay, bago naman siya pumirma ng bagong contract sa ABS-CBN early this year ay nagplano na siyang mag-retire.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with