Frankie
STAR/ File
Frankie napuri sa patuloy na katapangan
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

Marami ang pumuri sa katalinuhan ni Frankie Pangilinan, lalo na kapag ipinapaliwanag niya ang kanyang opinyon sa mga isyung pinag-uusapan.

Nakapanayam siya ng ka-PEP Troika naming si Noel Ferrer sa kanyang Level Up program ng Radyo Katipunan noong nakaraang Biyernes ng hapon.

Humarap siya sa Student Council Presidents at Campus Editors at isa-isa niyang sinagot ang mga isyung tinanong sa kanya.

Nagbigay din siya ng opinyon sa kontrobersyal na Anti-Terror Bill, ang ABS-CBN shutdown, pati ang kaso ni Maria Ressa ng Rappler.

Sabi ni Frankie; “You can’t stop an administration that already has a set agenda.”

Opinyon niya sa ABS-CBN franchise renewal; While we are all hoping that the franchise of ABS will be renewed, there’s this space in my mind that they can be turned down. Ganun ngayon eh.

“So we need to let our voices be heard and keep calling them out.

“What’s good about our dissent, our peaceful, pro-active unrest, our collective voices, they hopefully will all lead towards positive change!”

Inimbitahan pa si Frankie na magsulat sa matapang na pahayagang Collegian ng UP.

Kaya naman ganoon na lang ang pagtatanggol ni Sharon Cune­ta sa kanyang anak, dahil proud siya sa pagkatao nito.

Sana lang, tuluyan ni Sharon ang kung anumang plano niya sa mga nagsa-cyberbully at nambabastos kay Frankie sa social media.

Guwapong lalaki  ‘nasasabawan’ sa nabuntis na aktres

“Sabaw ang utak” ang pagkaka-describe ng guwapong lalaking nakabuntis sa isang female celebrity. Ewan ko kung totoo siya sa sinabi niyang iyon, dahil ayaw pala niyang makipaghiwalay sa unang girlfriend na nasaktan nang sobra nang nabalitaang itong si guwapong lalaki nga ang nakabuntis kay female celebrity.

Taga-showbiz din ang unang girlfriend na kung saan nakarelas­yon nito ang guwapong lalaki. Gusto nang makipagkalas nung girl, dahil sobra siyang nasaktan na habang may relasyon silang dalawa, nakabuntis pa ang dyowa ng ibang babae.

Mabuting maghiwalay na lang daw sila, dahil ayaw na raw niyang makigulo dahil magiging ama na itong si guwapong lalaki kay kilalang female celebrity, pero nagpipilit itong si guwapong lalaki.

Kinukulit pa rin si girl na ituloy pa rin ang kanilang relasyon.

Iniiwasan na siya ni girl, pero nakiusap si guwapong lalaki na sila pa rin dahil nabu-bore daw siya kay female celebrity dahil ang ‘sabaw daw ng utak’ ng kanyang nabuntis.

Nagulat ang babaeng iyon, at lalo yata siyang na-off sa sinabi ng boyfriend.  Kaya kahit mahal pa niya ito, kailangan na raw talaga niyang makipaghiwalay.

Ano naman kaya ang magiging reaksyon ni female celeb kapag malaman niyang nasasabawan ang lalaking nakabuntis sa kanya?

GMA hinihintay kung kukuha ng Kapamilya stars

Narinig naming papayagan naman daw ang mga Kapamilya star na mag-guest sa ilang programa ng GMA 7, basta magpaalam lang.

Pero ang tanong, may balak ba ang taga-GMA na kumuha sa mga sikat na Kapamilya stars para sa ilang programang sisimulan nila?

Siguro right time nang bigyan ng pagkakataong mag-shine ang ilan pa nilang talents na may ibubuga naman.

Kagaya ni Arra San Agustin na maga­ling din sa hosting, siya ang maghu-host sa special live streaming ng Taste MNL na mga bagong episodes na ang mapapanood online.

Magsisimula na ito bukas, Lunes, na kung saan ang kanyang surprise guests ay mamimigay ng special gift packs sa mga makikisaya sa kanya.

FRANKIE PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with