Sikat na aktres sensitibo, ligalig ang utak!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - July 5, 2020 - 12:00am

May nabubuong ideya sa utak ng mga tunay na nakakakilala sa isang popular na female personality kung bakit masyado siyang maligalig ngayon.

Sobrang sensitibo ngayon ng babaeng personalidad, marami siyang naaalala, nasa gitna siya ng giyera ng salitaan ngayon.

Sabi ng isang source na kabisado na ang takbo ng ugali ng sikat na female personality, “Siguradong may nalaman siyang info na sobrang nakapanakit sa kanya. Nagiging emotional siya kapag ganu’n!

“Isa lang ang dahilan kapag nagkakaganyan siya, matinding personal problem, ganyan ang nagiging outlet niya ng sama ng loob niya!” madiing komento ng isang impormante.

Ang pinakamagandang paraan daw para hindi masyadong tumututok sa social media ang female personality ay ang ilayo siya sa kanyang gadgets.

Positibong suhestiyon ng source, “Kailangang ilayo sa kanya ang lahat ng paraan para siya makapag-post. Bantayan dapat siya.

“Sobrang sensitive niya ngayon, war freak siya, tinatalo siya ng emotion niya. May mapaglibangan sana siyang iba.

“Kailangang may tutukan siyang iba, hindi ang pagpo-post, baka maumay na sa kanya ang publiko,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Female personality, nag-uubos ng shampoo at sabon ‘pag masama ang loob

Rebelasyon ng isang kilalang female personality na dati ring maligalig ang lovelife, patung-patong na problema rin sa pakikipagrelasyon ang kanyang nakaengkuwentro, may paraan para palipasin ang sobrang sama ng loob.

Sabi niya, “Kapag sobrang galit na galit ako dahil sa nalaman ko, inililigo ko ‘yun! Napakatagal ko sa CR, ‘yung parang halos du’n ko na gustong tumira!

“Magsa-shampoo ako nang maraming beses, ‘yung halos maubos ko na ang laman, magsasabon ako ng buong katawan na parang wala nang bukas para maligo ako uli!

“Kapag konti na lang ang laman ng shampoo bottle, kapag pudpod na ang sabon na ginagamit ko, sign na ‘yun na malamig na ang ulo ko.

“Paglabas ko ng CR, e, nahimasmasan na ako, puwede na akong maki­pag-usap kahit kanino nang nasa tamang hulog ako,” kuwento ng pamosong babaeng personalidad.

Oo nga naman, may hiwagang hatid ang tubig, mabisang gamot ‘yun at nakapagpapapresko ng isip at katawan.

Sharon ginagawang pambalanse ang pamimiling milyones sa pinagdaraanan

Maraming pumupuna sa paglalantad ni Sharon Cuneta sa kanyang mga mamahaling relo. Bakit daw kailangan pa niyang ipagmayabang ang kanyang mga relo na milyones ang halaga?

Dahil bilyonarya na nga ang Megastar, dapat daw ay tahimik na lang siya, hindi na niya kailangang ipagmakaingay sa buong mundo ang kung anu-anong materyal na bagay na meron siya.

May kuwento kaming alam tungkol d’yan, may kani-kanyang paraan pala ang babae at lalaki kapag inaatake sila nang matinding problema at pagkawasak ng puso.

Ang lalaki ay bumibili ng bagong sasakyan. Komento ng salesman kapag bumibili ng magarang sasakyan ang isang yayamanin, “Problemado na naman si sir, bagung-bago pa ang sasakyan niyang kabibili lang, heto na naman siya.”

Ang babae namang balot sa lungkot at sama ng loob ay bumibili ng mga alahas. Nireregaluhan niya ng mga alahas na milyones ang halaga ang kanyang sarili habang naglulubalob siya sa lungkot at galit sa mundo.

Security cushion ang tawag du’n. Binabalanse nila ang sitwasyon. Na kahit nalulungkot sila ay meron silang puwedeng pagbuhusan ng panahon bilang kakampi.

Gumagaan ang kanilang pakiramdam kapag nabibili nila ang mga gusto nila na makapagpabago sa kanilang pananaw.

Pero remedyo lang ‘yun, hindi lunas sa kanilang emosyon, pagkatapos nilang bilhin ang kanilang luho ay babalik na naman sa kanilang isip at puso ang tunay nilang pinoproblema.

Sabi ng isang kaibigan naming psychiatrist, “That’s only an outlet. It doesn’t resolve the problem. Pansamantala lang ‘yun para makalimot sila, diversionary lang, pero nandu’n pa rin ang problema.”

Para sa mga bukod-na-pinagpala ang ganu’ng atake, meron kasi silang ilalabas na salapi anumang oras nilang gusto, malayung-malayo sa estado ng mga kapuspalad na isasaing lang sa hapunan ay hinahanap pa nila kung saang kamay ng Diyos nila kukunin.

At kapag lampas na ang hapunan ay wala pa rin, itutulog na lang nila ang gutom, kinabukasan na uli sila hahanap ng maisasaing.

Haaay, buhay!

 

SHOWBIZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with