Jericho, na-shock na hindi na busy!
Jericho
Jericho, na-shock na hindi na busy!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 28, 2020 - 12:00am

Mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng covid-19 pandemic ay nanibago raw si Jericho Rosales. Ilang buwan nang nananatili lamang sa bahay ang aktor kaya aminadong nahihirapan na rin sa mga nangyayari. “I actually experience of parang season na parang down ka, and you can’t think and ang hirap maging creative. So I just realize na everyone is adjusting din. It came to me na this is a very exciting and important time. The difficulty came after. And I was not busy anymore. It was a time for me to think na sarili ko naman ang isipin ko. Doon ako na-shock, parang what am I gonna do,” makahulugang pahayag ni Jericho.

Para sa aktor ay isang malaking pagsubok ang krisis na kinakaharap ng bansa ngayon lalo na sa katulad niyang artista na matagal-tagal na ring hindi nakapagtatrabaho. “It tested so many things that we are so used to, like shooting, taping, working, resting, relaxing, what really matters most. So I just really appreciate this time now, I realized na hindi imposible ang mga bagay talaga. Our creativity is pushed and I’m at that stage now,” pagbabahagi ng aktor.

Sofia, hindi lalayasan ang pag-aartista para makaipon

Noong isang Linggo ay ginulat ni Sofia Andres ang mga tagahanga nang umaming mayroon na silang anak ng kasintahang si Daniel Miranda. Kahit isa nang ganap na ina ay hindi naman umano iiwan ng aktres ang show business. “Ngayong naka-lockdown tayo mas nagkaroon ako ng time with them. Matagal din pero actually kailangan ko mag-work. Kailangan ko bumalik sa pagtatrabaho. Kailangan may ipon din tayo. Pero at the same time, I need to actually spend time with her kasi responsibilidad ko ‘yon,” bungad ni Sofia.

Bilang isang ina ay wala raw ibang hinahangad ang aktres kundi ang mapabuti ang kinabukasan ng kanilang anak na si Zoe. “Gusto ko lagi lang siyang masaya at matupad niya ang mga pangarap niya at siguro in the future, alam ko matagal pa, mahanap niya ‘yung soulmate niya. Alam ko masasaktan siya pero nandito kami at ‘yung daddy niya para sa kanya,” paglalahad niya.

Malaki ang pasasalamat ni Sofia sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng ginawang paglantad sa publiko pagkatapos magbuntis at manganak. “Maraming-maraming salamat sa pagmamahal at suporta. Maraming-maraming salamat sa mga proud sa aking naging journey at sa anak namin na si Zoe. Huwag n’yong kakalimutan sa mga fan ko at nai-inspire sa story na mahal ko kayo at kung may mga pinagdadaanan kayong hindi maganda, alam n’yong importante ang pamilya at mga kaibigan na nasa paligid n’yo. Huwag n’yo silang kakalimutan, sila ang makakatulong sa inyo,” pagtatapos ng aktres.    

(Reports from JCC)

JERICHO ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with