^
Edu walang alam sa anti-terror protest ng anak
Edu

Edu walang alam sa anti-terror protest ng anak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2020 - 12:00am

Iba na nga ang panahon ngayon sabi ng mga matatanda, dahil sa ganitong dumadaan tayo sa pandemic at limitado ang ating paggalaw, dito mo na-appreciate ang technology na unti-unti na ring kinasasanayan ng mas may edad, hindi lang ang mga millennial.

Isa ito sa napag-usapan namin ni Edu Manzano nang nakapanayam namin siya sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH nu’ng nakaraang Martes ng gabi.

Kinukuwento ni Edu na kapag kasama raw niya ang mga anak niya sa hapag-kainan, kailangan isantabi ang mga gadgets.

Aniya: “Sa mga panahon ngayon, dati nagagalit ako kapag merong gadget sa mesa kasi hindi na kami makapag-usap kasi puro na texting, kung anu-ano.

“Kaya sinasabi ko dati na kapag kayo’y kakain, walang dapat gadgets sa lamesa.

“Ayoko ng teknolohiya. Pero ngayon, at ang dalawa ay nasa New York, at si Luis naka-lockdown hindi ko nakikita, ako’y nagpapasalamat po sa teknolohiya dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap ko sila araw-araw.”

Kaya updated na rin siya sa mga social media accounts ng mga anak niya, at doon nagulat na lang siya nang nakita niya ang solo protest ng anak niyang si Enzo sa harap ng UN at Philippine Consulate sa New York.

Tatlong oras siyang nakatayo sa UN headquarters at ng mga sumunod na araw ay sa Philippine consulate. Bahagi ito ng ipinaglalaban niya sa Anti-Terrorism bill, lalo na’t ipinagbabawal ang mga rally at mass protests dito sa atin.

Sabi ni Edu, wala raw talaga siyang alam sa ginawa ng anak niya. “Aaminin ko po at titingnan ko kayo sa mata, wala akong kaalam-alam diyan,” pakli niya.

“Pero sisihin ko rin ang sarili ko, because nung bata pa sila at nung lagi kaming magkasama, lagi kong sinasabi ‘kung meron kayong gustong sabihin, sabihin ninyo. Napaka-liberal ko sa aking mga anak na wala akong tinatago sa kanila at ayokong may tinatago sila sa akin.

“Si Enzo, napaka-achiever nun. Galing sa Xavier, napunta sa Greenhils (La Salle), nag-NCAA basketball. Napunta sa De La Salle University naging Dean’s lister tapos natanggap sa UCLA para sa kanyang Master’s program. So yung bata may sariling pag-iisip. Kung susundan mo siya, hindi ko sinasabing sundan n’yo ang kanyang Facebook, and meron na siyang mga ginagawang vi­deos tungkol sa history ng EDSA revolution, meron pa siyang kay Magsaysay, talagang mahilig siya sa pulitika…yeah, politican science and journalism ang anak ko.

“So, hindi ako napagsabihan, pero hindi ako nagulat nang maisip niya yan. Lahat ng anak ko, alam ko mataas ang kanilang natutunan. Lahat nakapag-graduate at doon ako proud sa kanila. Responsable naman sila pagdating sa paggawa ng kanilang mga desisyon,” saad ni Edu.

Pinky at Condotel staff, hindi nagkaayos

Hanggang sa ngayon ay hindi pa masagot ni Pinky Amador kung

magsasampa rin siya ng kaso laban sa staff ng condotel na tinutuluyan niya pagkatapos nilang magharap sa isang mediation nung nakaraang Martes ng umaga.

Nagharap sila sa barangay Poblacion sa Makati para pag-usapan, pero wala ring nangyari dahil hindi nag-apologize ang dalawang babae na nag-video sa kanya habang nagwawala siya sa galit.

Sabi naman ni Pinky sa simula pa lang ay nag-apologize na raw siya sa ginawa niyang pagmumura at pagwawala sa admin office ng naturang condotel. Ang gusto lang naman daw niya ay malaman bakit bini-video siya na hindi niya alam.

Isa ‘yun sa basehan na puwede niyang magsampa ng kaso. Pero ang pakay ng mediation na iyun ay pag-ayusin sila, pero hindi ito nangyari.

Ang sabi raw ng dalawang babae, pag-isipan pa nila kung mag-a-apologize sila o hindi.

Hindi pa masabi sa ngayon kung magsasampa sila ng kaso laban kay Pinky.

EDU MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with