^
Angel at Neil, handa na sa kasal
Neil at Angel
STRA/ File

Angel at Neil, handa na sa kasal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2020 - 12:00am

Pero ayaw ng mass gathering

Matatandaang noong isang taon pa nag-propose ng kasal kay Angel Locsin ang kasintahang si Neil Arce. Ngayong taon dapat gaganapin ang kanilang pag-iisang diddib pero may posibilidad din itong ipagpaliban muna dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa covid-19 pandemic. “Hindi natin alam baka next week may vaccine na. Hindi na lang po kami magko-complain. Maghihintay na lang kami kung ano mang mangyayari,” nakangiting pahayag ni Angel.

“I think we’ll decide somewhere near our date na lang if we’re gonna move it or not,” dagdag naman ni Neil.

Hanggang maaari ay ayaw nang ipaalam sa publiko ng magkasintahan kung kailan ang mismong araw ng kanilang kasal. “Hindi naman pwedeng sabihin kung kailan ‘yung exact date for security reasons and privacy ng mga bisita. Pero dapat this year and medyo malapit na siya,” paliwanag ng aktres.

Ayon kay Neil ay talagang pinagkakaabalahan na nila ni Angel ang preparasyon para sa kanilang kasal bago pa ipatupad ang community quarantine sa buong Luzon. “Medyo, in fairness ready naman po kami. ‘Yung problem na lang is if mass gathering is allowed na, and safety ng guests and everyone else,” pagtatapat ng binata.

Ejay inaatake ng anxiety, naghahanap ng pwedeng pagkakitaan

Isa si Ejay Falcon sa mga artistang nakaranas ng anxiety attack dahil sa pananatili lamang sa loob ng bahay ng ilang buwan.

Napapaisip umano ang aktor tungkol sa iba’t ibang nangyayari sa bansa katulad ng banta ng covid-19 pandemic at ang pagsasara ng ABS-CBN. “Siguro at some point nakakaramdam ako ng anxiety. Kasi medyo mapag-isip din akong tao lalo na kapag nasa bahay ka lang. Kasi wala kang ginagawa kaya ang dami mong oras mag-isip. ‘Yung anxiety naman ay may iba-ibang level depende sa tao. Minsan kailangan mo lang mag-work out lagi. Nakakatulong din ‘yon para mapanatiling malusog hindi lang ang katawan natin pati rin isipan natin. Need mo talagang gumawa ng paraan na maging positibo po lalo pa nga ang daming negativity ngayon sa mundo,” pagbabahagi ni Ejay.

Habang walang proyektong ginagawa ay nakakaisip umanong magnegosyo ang aktor. “Karamihan nga ngayon  makikita mo sa social media. Kanya-kanya ng diskarte ng pwedeng pagkakitaan. Actually nag-iisip na rin ako na pasukin ang online business para mas productive din ang time. Naghahanap pa kami ng suppliers ng mga pwede naming ibenta at pagkakitaan. Inisip namin ‘yung something na in demand siyempre ngayong naka-quarantine tayo,” pahayag ng actor. (Reports from JCC)

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with