Pinky natameme kay Jaclyn
Pinky Amador

Pinky natameme kay Jaclyn

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2020 - 12:00am

Mahaba ang naging panayam ko Pinky Amador sa aming radio program sa DZRH nung nakaraang Miyerkules ng gabi.

Doon nga niya ipinaliwanag sa amin ang pinanggalingan ng matinding galit niya na napanood sa kumalat na video.

Detalyado niyang inilahad magmula nung dumating ang 59 na OFW sa hotel na tinutuluyan nila para pansamantalang i-quarantine nung May 4.

Nataranta raw silang mga residente doon dahil wala ngang circular order na inilabas at hindi ipinaalam sa kanila na merong ika-quaratine doon.

Naintindihan naman daw nila na nasa batas iyun at kailangan nilang sundin. “Nabahala kami kasi unang-una nasa batas po ‘yan, kailangan po ipaalam. Kahit may hawak silang papeles or what, kailangan kami ay alagaan din nila,” saad ni Pinky.

Kaya raw talagang napa-praning na sila dahil bago ‘yun, may isang babae na pala roon na namatay, pero hindi raw nilinaw sa kanila ng administration office kung ano ang sanhi nang ikinamatay. Pero negative naman daw ito sa COVID-19.

Ang pakiramdam ni Pinky at ng mga kapitbahay niya, na parang merong itinatago sa kanila o tila nililinlang sila dahil sa hindi nila nagagawa iyung simpleng hiling nilang maglagay lang ng circular order sa building para makapag-ingat lang sana sila at mabigyan ng tamang proteksyon.

Nung May 22 nga na kung saan nangyari ang insidenteng paninigaw niya sa staff ng hotel, sumakay daw si Pinky sa elevator pababa at nakita niyang may nakapaskel na notice mula sa DOH na merong tinanggap doon na 30 na OFW, pero 59 daw ang nandun. “Ano ba namang sabihin na may pumasok at may umalis, wala namang problema ‘dun di ba? Nasa batas naman. Naingatan naman yun.

“Dun na ako pumutok kasi, parang ginawa ko na yung trabaho nila eh. Ako na yung tumawag sa Bureau of Quarantine. Ako ‘yung tumawag sa manning agency, ako na mismo ang tumawag sa mismong may-ari ng hotel. Alam mo yung para kaming helpless.”

Paano nangyari ang sigawan? “Pumasok na po ako ng admin office nila. Eto, nagtataka ako na parang hindi ako pinapansin. Parang deadma lang. They were obviously provoking me. ‘Yung hindi ako pinapansin, nakatingin sa telepono. Iyun pala nagbi-video na sila ng secret video. So, ang pakiramdam ko po, inudyok nila akong mapikon, magalit. “Alam mo yung nagi-explain ka, walang nakikinig sa ‘yo kaharap mo. At iyung nilabas nila na video, hindi lang iyun ang nag-iisang video.”

Ikinuwento na rin ni Pinky na nakunan pa siya ng ibang video, pero iyung nagwawala na siya ang ikinalat, at hindi man lang ipinakita kung ano ang pinanggalingan nun.

Nakatanggap pa raw siya ng mga hate text na maghintay lang at magba-viral na siya. Na nangyari na nga.

Ngayon ay nag-complain ang dalawang staff laban sa kanya, at dapat ay magkaroon sila ng mediation sa barangay nung Martes, pero hindi pa natuloy.

Pinag-uusapan pa raw nila ng abogado at manager niya kung magsasampa siya ng kaso, dahil tiyak na marami raw ang mauungkat ng mga problema sa condotel na iyun.

Pero aminado si Pinky na hindi nga siya nakapagpigil at paulit-ulit siyang humingi ng paumanhin sa ginawa niyan iyun.

Aware din si Pinky sa sinabi ni Jacklyn Jose laban sa kanya, at ipinagtanggol naman siya ni Vivian Velez. “Talagang hindi ako nakatulog. Sobrang bigat sa akin. Kasi ang taas ng tingin ko kay Jane (Jaclyn). Sa totoo lang. I look up to her. I’m proud of what she has achieved for our country. Hindi ko akalain na masasabi niya ‘yung mga salitang ‘yun sa akin.  I considered her as a friend and no comment po,” sagot ni Pinky sa ipinost ni Jacklyn sa kanyang Instagram account.

Nagpasalamat naman siya kay Vivian na nagtanggol sa kanya.

Naglabas nga ng galit si Jacklyn sa ginawang paninigaw at pagmumura ni Pinky sa staff ng hotel.

“To Ms. Amador wag naman po ganun? Paano po ang mga kapatid asawa at iba pa lahi ng taong minura nio. Habang buhay nila dadalin pang lalait nio.. media at instgram lang lang amg laban nila....do not persecute naglabas ng video kasi nanakot po kayo na sasaktan nio sila video lang kakampi.. front liners po sila , na d nio alam kung paano sila nakarating trabaho? 3 weeks lock down d po ba? Kinakaladkad mo mga artista kaya wala na nag titwala sa atin dahil sa mga katulad mo.dinadamay nio kami na may puso sa katulad ng mga tao na ito.magpasalamat ka pumapasok pa sa kabila covid.. heartless!! You piece of s--t!! How dare you @ this is my people nag sislbi alam mo ba pinag dadaanan nila just to get to work? Mag lalakad nakikipagsapalaran kung ano puede masakyan.. tas mumurahin mo mula ulo ma parang nabili mo? Ikaw ang gaga! Tanga! Mag mask ka at mag gloves.. or yet stay in your home you racist !!!!,” ang buong post ni Jacklyn sa kanyang Instagram account.

PINKY AMADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with