^

PSN Showbiz

Liza, inaabala ang sarili para labanan ang anxiety

SHOWBIZ NEWS NO NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Liza, inaabala ang sarili para labanan ang anxiety
Liza
STAR/ File

Kamakailan ay nagpaunlak si Liza Soberano ng interview sa Asian Boss na isa ring kilalang media company sa buong Asya. Naibahagi ng aktres sa host na si Marie na nakararanas siya ng anxiety attacks dahil sa pananatili lamang sa loob ng bahay nang halos tatlong buwan dahil sa pagpapatupad ng community quarantine sa buong Luzon. “I’ve been getting a lot of anxiety attacks lately because we are just at home, we’re isolated.

We don’t get to see a lot of people all the time and talk to different people which I’m used to on a daily basis because I’m an actress and I worked with a lot of different people all the time. I mean there’s a feeling of hopelessness sometimes because there’s so much going on in the world but you can’t really do anything,” pagtatapat ni Liza.

“There’s a sense of hopelessness going around because of covid, the pandemic, and a lot of the trials that we are facing here in the Philippines like with the whole ABS-CBN issue. I felt like I wasn’t doing enough or there wasn’t enough that I could possibly do because I am not physically there. It’s different if you are physically there to show your support,” dagdag pa ng aktres.

Mayroong ilang mga bagay na ginagawa si Liza upang maibsan ang pagkainip sa bahay. Nagpapakaabala ang aktres sa iba’t ibang gawain upang hindi rin makaranas ng anxiety. “I like to read books.

I like to go online and just talk to my friends or play games with them. I like to cook because it’s like the time I have to myself to just really think about life because you just get to focus on the food while chopping or while stirring. Your thoughts is just all to yourself,” pagbabahagi ng dalaga.

Randy, nakagawa ng kanta na may social distancing

Nakagawa ng isang bagong kanta si Randy Santiago dahil sa pananatili lamang sa bahay ng ilang buwan. Mapapanood na nga-

yon sa bagong YouTube channel ng singer ang music video ng Dance & Sing (Basta’t May Social Distancing). “Sa tatlong buwan na tayo’y nanatili sa ating mga tahanan dahil sa quarantine, sari-sari ang ating nagawa, natutunan at natuklasang bagong kaalaman.

Hindi natin nasayang ang mga panahon dahil naging mabunga ito. Naaliw tayo sa TikTok, WeSing, FB Live, Zoom at kung anu-ano pa. Ito naman ang isa sa nagawa ko ngayong quarantine. Lumikha ng kanta para magpasaya at magbigay ng positibo sa ating pananaw sa mga susunod na buwan o tinatawag nating new normal.

Huwag nating alisin na aliwin ang ating mga sarili. Tayo’y mag-dance and sing basta’t may social distancing,” salaysay ng singer sa Randy Santiago Official YouTube channel.

Isa si Randy sa mga hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime. Muling mapapanood ang naturang noon time show sa pamamagitan ng Kapamilya Channel ng ABS-CBN simula ngayong Sabado.

Ang Kapamilya Channel ay mapapanood sa Sky, Cablelink, G Sat at iba pang cable operators na miyembro ng Philippine Cable Television Association sa buong bansa. (Reports from JCC)

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with