Kris dinisplay ang collection ng limited edition bags

MANILA, Philippines — Sa latest vlog ng Kapuso actress na si Kris Bernal, ipinasilip niya sa kanyang fans at followers ang kanyang koleksyon ng luxury bags. Kasama ni Kris ang kanyang kapatid na si Kate sa video. Ayon sa aktres, taong 2004 pa nang nagsimula silang magkapatid na mangolekta ng mga limited-edition luxury bags. Ibinahagi rin nila ang mga pinaka-sentimental at most-used bags sa kanilang koleksyon.

Pero sa panahon ngayon keri pa kaya nilang mamili ng mga luxury bag?

Sabi kasi, bawas na raw ang talent fee ng mga artista ngayon dahil nga sa nangyayaring pandemic na affected ang lahat ng negosyo.

Show comments