Coco nagpapalamig sa social media!

Coco
STAR/ File

Natakot kay Calida o sa bashers?

Chill muna si Coco Martin sa Instagram.

Deactivated nga ang kanyang IG account.

Ang rason, walang nakakaalam kung bakit niya ipinahi­nga ang IG account niyang may almost 2.5 million followers.

Nakunsumi or nawindang na kaya ang actor sa bashers, trolls, etc? Or na-bother kaya siya sa mga pinakawalang pahayag ni Solicitor General Jose Calida sa Congress nang magkaroon ng hearing last Monday?

Naging controversial ang Instagram account ni Cardo Dalisay (Coco) nang maglabas siya nang nararamdaman sa pagsasara ng ABS-CBN more than a month ago.

Pero niresbakan siya ni Calida sa joint hearing ng House Committees on Legislative Franchises and on Good Go­­vern­ment and Public (teleconferencing).

Hindi lang basta buwelta, sarcastic ang naging atake sa kanya. “If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words,” bahagi ng statement ng SolGen last Monday.

Samantala, tuloy na sa June 15 ang taping ng Ang Probinsyano na ipalalabas sa bagong ilulunsad ng ABS-CBN na Kapamilya Channel.

Ipapatupad diumano ang 15 days lock-in sa taping for the safety ng buong cast.

Bago nag-lockdown ay common knowledge na hand-to-mouth ang taping ng Ang Probin­sya­no na kasama rin si Coco sa mga nagdi-direk.

Show comments