^

PSN Showbiz

Marian mahihirapang mag-adjust sa lock-in set up

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian mahihirapang mag-adjust sa lock-in set up
Marian

Mahihirapan siguro si Marian Rivera sa bagong norm ng taping ngayon after ng pandemic.

Dahil nga merong lock-in para sa lahat ng kasali sa anuman project na pinakamaikli na ang isang buwan, magiging mahirap iyon para kay Marian na very hands on sa pag-aalaga kila Zia at Ziggy. Baka habang ganito ang kalakaran sa showbiz hindi muna magtrabaho si Marian na talagang ang prio-rity ay ang pag-aalaga sa kanyang mga anak.

Unless siguro na makatiyak siya na in good hands ang pamilya, at talagang hindi matanggihan ang project. Pero sure ako, mas malaki pa rin ang chance na ang pag-aalaga sa mga anak ang pipiliin niya.

Siya kasi ang klase ng asawa at ina na mas priority ang pamilya.

Lucky Dingdong Dantes. Homebody ang misis na napili.

Nung una Salve, hindi ko rin makuha ang meaning ng Anti-Terrorism Bill.

Medyo nadadala na nga ako sa rami nang mga kontra ditong mga artista,  big names celebrities.

Sabi nga ni Senate President Tito Sotto, makinig, magbasa, magtanong bago magbigay ng comment.

Saktong nakining ako sa programa nila Ka Tunying (Taberna) at Ka Gerry (Baja) sa Teleradyo, at suwerte na si Senator Ping Lacson ang guest nila.

Ang ganda at ang linaw ng mga paliwanag ni Sen. Ping, hindi siya gumamit ng anumang salita na mahirap intindihin, direkta ang paliwanag, malinaw.

Dapat siguro dalasan ni Sen. Ping ang kanyang interview para makarating sa mas marami ang kanyang paliwanag tungkol sa nilalaman ng anti-terrorism bill na ito.

Sa paliwanag ni Sen. Lacson, napakalaki ng magagawa nito para maayos ang security ng Pilipinas.

Malaki ang magagawa ng bill para maiwasan ang pagpasok ng mga foreign terrorist sa ating bansa, at magiging vigilant ang lahat sa mga nagaganap sa paligid niya dahil sa batas na ito.

Totoo din iyon sinabi ni Sen. Lacson, huwag tayong padala sa ingay na siyang madalas na nagiging dahilan para ang isang magandang bagay ay hindi matuloy. Intindihin muna natin mabuti ang lahat.

 

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with