Rhian ginawang eskuwelahan ang internet

Rhian

Malaki ang naitulong ng internet at technology kay Love of my Life star Rhian Ramos para mas maging productive at mapabuti ang sarili habang naka-quarantine. Sa kanyang latest YouTube vlog, inilista ni Rhian ang mga bagay na kanyang natutunan mula sa internet kahit stuck at home siya. Unang-una na riyan ay ang home workouts na hindi kinakailangan ng gym equipment.

Ani Rhian, importante ang pagpapanatili ng healthy at fit body lalo ngayon na may lumalaganap na sakit. Bukod sa exercise, marami ring natutunang healthy recipes si Rhian online at pag-amin pa niya ay nakakahiligan niya ngayon ang paglalagay ng talong sa kanyang dishes.

Isa sa pinaka-importante raw na tulong ng technology at social media sa panahon ng quarantine ay ang paglalapit nito sa ating mga mahal sa buhay na hindi natin makapiling. “Buti na lang may technology tayo nowadays para mapadali yung learning and adjusting period natin. Let’s use technology to stay connected with our loved ones and with the outside world. Gamitin natin ito to spread positivity wherever we can. Let’s encourage each other even from afar.”

Show comments