Seth & Andrea
Seth, gustong angkinin si Andrea
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 28, 2020 - 12:00am

Mula nang magkatambal sa teleseryeng Kadenang Ginto ay naging malapit na sa isa’t isa sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Espesyal ang turingan nina Andrea at Seth kaya naman mayroon na rin silang tawag para sa isa’t isa. “Ali, ako po actually ang nakapag-isip no’n. No’ng una po talaga kasi may pagka-weirdo siya. So naisip ko alien, tapos hinati ko, naging Ali. Kapag magkasama kami, parang may sarili kaming mundo po,” paliwanag ni Andea.

Para naman kay Seth ay mayroong mas malalim na kahulugang ang pagtatawagan nila ng ‘Ali’ ng aktres. “Ali actually stands for Akin Lang Ikaw. Ako gusto ko makasama si Blythe (palayaw ni Andrea). Siyempre gusto ko magtagal ‘yung samahan namin, so aangkinin ko. Akin Lang Ikaw,” giit ni Seth.

Kahit espesyal ang turingan ng dalawa ay hindi naman umano nagmamadali sina Andrea at Seth na magkaroon ng opisyal na relasyon o maging magkasintahan. “Para sa akin po kasi, si Seth very special sa akin. Bilang tao, sobrang hinahangaan ko siya. Bilang si Seth, mahal ko po ‘yung pagkatao niya. Gusto ko po siya suportahan. Kapag narating niya ‘yung pangarap niya, gusto ko nandoon po ako,” nakangiting pahayag ng aktres.

“Kasi kaming dalawa, alam namin ‘yung priority namin. Wala sa isip namin iyan. Sa akin, alam ko kasi na sige ako kapag na-in love sa ‘yo at naisipan ko talagang kunin ka, gagawin ko kung naramdaman ko ‘yon. Pero ngayon siguro, wala pa sa isip naming dalawa ‘yon kasi may goal kami,” makahulugang paglalahad ng aktor.

Lovi,nagbihis sa kalsada ng Italy

Simula ngayong araw ay mapapanood na sa iWant ang pelikulang Malaya na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Zanjoe Marudo. Sa Italy pa kinunan ang mga eksena para sa naturang digital film.

Ayon kay Lovi ay hindi naging madali ang kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa. “Ang hirap umikot sa mga paborito mong bansa na kailangan mo magtrabaho. Kasi you have to stay focused and everything. Shooting abroad is not a joke kasi wala ka sa comfort zone mo. Kumbaga kami, we were like walking around. Skeleton team talaga na bitbit ‘yung cameras, bitbit ko ‘yung mga damit ko. Nagbibihis ako sa kalsada,” kwento ni Lovi sa Tim Yap Live.

Para sa aktres ay kailangan talagang mapanood ng mga tagahanga ang Malaya dahil sa magandang kwento nito. “She’s starting from scratch. She needs to learn how to speak Italian. She actually wants to do more than what her mom does for a living. She’s quite ambitious. And then she meets a Filipino guy who’s been living there since he was born,” pagdedetalye niya.

Nahirapan man sa Italy ay hinding-hindi naman umano makalilimutan ni Lovi ang kanyang mga karanasan doon lalo pa’t maganda ang kinalabasan ng pelikula. “When you’re passionate about something, all these, ‘yung hirap, hindi nagma-matter ‘yon,” giit ng aktres.

(Reports from JCC)

ANDREA BRILLANTES SETH FEDELIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with