Kuha ng huling Binibining Pilipinas parade sa Araneta City taong 2019.
Mula sa Facebook page ng Araneta City
'Korona vs corona': Bb. Pilipinas 2020 pageant postponed uli dahil sa COVID-19
(Philstar.com) - May 25, 2020 - 6:15pm

MANILA, Philippines — Sa ikalawang pagkakataon, muling ipagpapaliban ang "coronation night" ng Binibining Pilipinas sanhi ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ang desisyon ay inilabas ng Binibining Pilipinas Charities, inc. (BCPI), Lunes nang umaga, para na rin suportahan ang laban ng gobyerno sa pagsupil sa nakamamatay na virus.

"Mindful of the potential and serious risks, BCPI has decided to postpone the Binibining Pilipinas 2020 Pageant indefinitely," sabi ng organisasyon kanina.

 

 

Unang ini-schedule ang Bb. Pilipinas 2020 noong ika-26 ng Abril, ngunit inusog patungong ika-31 ng Mayo. Gayunpaman, muli itong hindi matutuloy sa nasabing petsa.

Sabi ng BCPI, naiintindihan naman nila na mas mahalagang protektahan ang kalusugan at kalugtasan ng mga kandidata, kani-kanilang mga pamilya't kaibigan.

Ang naturang national beauty pageant ang mamimili ng kakatawan ng Pilipinas sa paparating na Miss International.

Sa ngayon, nakadepende pa raw kung kailan nila ito ire-reschedule sa mga ipapataw na panuntunan ng gobyerno sa mga darating na buwan.

"Rest assured that BPCI still intends to hold the Pageant with its partners and sponsors as soon as the situation permits, when the threat of transmission and infection is at its minimum," patuloy nila.

"Thank you and we sincerely pray for your safety and good health in these trying times."

Kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ) ang sari-saring dako ng Pilipinas dahil sa banta ng virus.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) kanina, umabot na sa 14,314 ang nahahawaan ng peligrosong virus sa Pilipinas. 873 sa bilang na 'yan ang patay na. — James Relativo

BINIBINING PILIPINAS NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with