^

PSN Showbiz

Willie binuhay ang show para mamigay ng datung!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Willie binuhay ang show para mamigay ng datung!
Willie

Mula sa tatlong linggong pananatili sa kanyang beach house sa Puerto Galera ay nakabalik na sa Quezon City si Willie Revillame at ang kanyang mga staff.

Pagdating na pagdating ng grupo ay nag-set-up na sila agad ng lugar sa Wil Tower para makapag-live si Willie sa pamamagitan ng YouTube at FB.

Audience lang ang kulang, pero ang energy ni Willie ay ganu‘n pa rin, namimigay siya ng mga papremyong cash sa mga nagte-text at tumatawag sa produksiyon habang nakaere siya.

“Pambili ng bigas” ang terminong ginagamit ni Willie sa mga nananalo, hindi nga naman biro-biro ang halagang sampung libong piso sa mga panahong ito, napakaraming walang trabaho dahil sa enhanced community quarantine.

Ganu’n na lang ang pasasalamat ng mga kababayan nating mapalad na nabibigyan ng cash ni Willie, ito nga naman ang mga panahon na kahit barya-barya lang ay napakahalaga, ang sampung libo pa kaya?

Hindi talaga mapapahinga ang kalooban ng TV host kung hindi siya makatutulong at makapagpapasaya sa ating mga kababayan sa gitna ng hinaharap na indulto ng buong mundo.

Kahit nu’ng nasa Puerto Galera pa si Willie ay gumawa siya ng paraang makapagbigay ng suporta sa mga kapatid nating Mangyan.

Siya mismo ang namamahala sa paghahandog ng biyaya, kasama siya ng kanyang staff sa pagre-repack, nasa puso na talaga ni Willie ang pagbibigay-saya sa publiko.

“Higit kailanman, e, ngayon nangangailangan ang mga kababayan natin, lalo na ang mga laborers na walang trabaho, dahil sa lockdown.

“Kailangan talaga nilang sumunod sa mga ipinagbabawal para sa pagsugpo ng corona virus, pero siyempre, alam naman natin na kapag walang trabaho, wala rin silang kinikita.

“Nag-meeting kami ng staff ko, kailangan naming kumilos, kailangan naming magbigay ng tulong na pampinansiyal sa mga kababayan nating kapos na kapos sa ngayon dahil sa lockdown.

“Ramdam ko sila, ako pa ba? Galing din ako sa hirap, alam ko ang feeling ng wala, kaya suporta ang kailangan nila sa mga panahong ito,” pahayag ni Willie sa aming pag-uusap.

Sa kabila ng dinadanas na paghihirap ng ating mga kababayan ngayon ay regalo ng langit para sa kanila ang tulad ni Willie Revillame na mapuso sa maliliit.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Pinanood ko si Willie kanina, napakalaking biyaya ang ibinibigay niya sa Wowowin. Magpagulung-gulong man tayo sa EDSA mula Caloocan hanggang Baclaran, e, hindi tayo makakapulot nang sampung libong piso!

“Lalo na sa mga panahong ito ng lockdwon, umaaray na ang bulsa ng mga kababayan nating walang trabaho, wala pang katiyakan kung hanggang kailan ang ECQ, kaya ang laki-laking biyaya ang mga ipinamamahagi ni Willie,” sinserong pahayag ni prop.

Mayor Rico walang celebration ang birthday

Bukas, April 16, ay kaarawan ni Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan. Ngayon pa lang ay alam na namin na walang selebrasyong magaganap para sa kanyang espesyal na araw.

Sa halip na gumastos para sa isang salu-salo kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan ay magpapabili na lang siya ng mga produktong ipaaatado niya para ipamahagi sa kanyang mga kababayan.

Napakasuwerte ng mga Pandieno sa kanilang mayor, sa mga panahong ito na mahirap hanapin ang mga tagapamuno ng kanilang komunidad ay hayun naman si Mayor Rico, walang sinasayang na panahon sa pag-iikot sa Pandi para tiyakin ang mga pangangailangan at kaligtasan ng kanyang mga nasasakupan.

Ngayon higit na naiisip ng mga taga-Pandi na tama ang kanilang desisyong ibalik sa posisyon ang kanilang mayor. Mapuso, mapagmalasakit, hindi makasarili.

Labing-apat na taon na naming kaibigan-anak-anakan si Mayor Enrico. Ang tagal-tagal na, pero hindi siya pinagbabago ng tagumpay at kapangyarihan, siya pa rin ang bagets na nakilala namin nu’ng 2006 na pinagdudahan pa nga naming gustong mag-artista dahil sa kanyang itsura.

Mula sa Bodega Ng Bayan, hanggang sa Amana Water Park na naging landmark na ng kanyang bayan, ngayon ay siya na ang ama ng Pandi na kailanman ay hinding-hindi na mabubura pa sa kasaysayan ng lupang kanyang sinilangan.

At naging saksi sa pinaghirapan niyang tagumpay.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with