_ngayon
^

PSN Showbiz

Robi, natupad ang pangarap sa ASAP

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Robi, natupad ang pangarap sa ASAP
Robi

Noong nakaraang Linggo ay natupad na ang pinapangarap lamang ni Robi Domingo noon na makatugtog ng piano sa ASAP Natin ‘To. Hindi inakala ng TV host na makapagtatanghal din siya sa programa na gamit ang piano habang kumakanta si Sarah Geronimo. “I saw the performance on ASAP NAtin ‘To and I wasn’t able to stop myself from smiling. It was really a dream come true for me and I real­ly have to say that Sarah will be one of my favorite singers and personalities. I thought it would never happen but thanks to ASAP, it did,” pahayag ni Robi.

Madalas na nagpo-post ang binata sa kanyang Instagram account ng videos kung saan ay tumutugtog siya ng piano. Talagang pinaghandaan umano ni Robi ang kanyang pagtugtog ng instrumento nang makumpirmang gagawin niya ito sa telebisyon. “I got a text message coming from my boss Ms. Winnie Mariano (talent coordinator ng ASAP), asking me what songs I could play and I said Ed Sheeran. Then she asked if I can give a sample because Sarah wants to hear it. I was like, ‘Are you kidding me?’ From 2 to 6pm I just played Thinking Out Loud, trying to give Sarah my best version of the song. I have been playing this song since it was released and I’m really comfortable with this,” kuwento niya.

Pitong taong gulang pa lamang nang matutong tumugtog ng piano si Robi pero natigil daw ito dahil sa pag-aaral ng TV host. “I stopped because I got so immersed with my school. Honestly, I have a hard time reading the notes of a piano sheet so instead I listen to a song that I like over and over again until I get the scale and chords,” pagtatapos ng aktor.

Yeng na-realize na maiksi lang ang buhay

Kahit dumaranas ng krisis ang bansa ngayon dahil sa panganib na dulot ng coronavirus disease 2019 ay mayroon daw magandang dulot ito para kay Yeng Constantino. Ayon sa singer ay talagang naipapakita ng mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa sa ganitong mga pagkakataon. “Ang ganda ngayon kasi ang daming opportunities na lumalabas to donate. Ang maganda ay may mga taong gumagawa ng fundraising para makarating sa maliliit na barangay. Makikita mo sa Facebook ang dami pala nating mga kababayan na hindi nahahatiran ng relief goods. So ang ganda nagkakaroon tayo ng totoong modernong bayanihan. Ang galing ng technology, pwede ka magbigay through online banking. Ang sarap ng feeling na magbigay. Ang sarap sa feeling na makatulong sa moment na ito,” paglalahad ni Yeng.

Mayroong mga bagay na natutunan ang singer dahil sa pagpapatupad at pagpapalawig pa ng enhanced community quarantine ngayon. “Hindi kailangan na masyadong excessive. Parang okay lang pala na umiikot ang things, nabubuhay na ito lang ang ginagamit ko. Hindi pala kailangan na sobra-sobra, parang nakaka-grateful na may enough ka. Na-realize ko na ang ikli ng buhay. So dapat tayo parang mas ma-cherish mo how fragile life is at ma-appreciate mo na i–seize ang life mo to do good,” makahulugang pahayag ng singer. (Reports from JCC)

ASAP ROBI DOMINGO YENG CONSTANTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with