Gabby
Gabby at Piolo, nagmukhang ermitanyo sa quarantine look
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2020 - 12:00am

Pauso ang quarantine look nina Gabby Concepcion and Piolo Pascual.

Talagang parang wala muna silang pakialam sa hitsura at ini-enjoy ang kanilang paglalagi sa bahay / resort.

Bago ang lockdown dahil sa covid-19, wala nga naman silang chance na mag-enjoy na walang ginagawa.

Si Gabby ay nanggulat sa kanyang balbas-saradong itsura na kung tawagin ng Kapuso actor ay “no shave, quarantine look”.

Sa kwelang Instagram post ni Gabby kung saan may hawak itong saging na saba, 18 days na raw siyang naka-lockdown sa Lobo, Batangas at tumubo na nang husto ang kanyang facial hair.

Sa susunod daw na 30 days ay baka sa puno na siya mag-vlog dahil buong katawan niya ay puro buhok na. “Another 30 days baka sa puno na ako mag-vlog dahil buong katawan ko puro buhok na!”

Hindi naman napigilan ng mga anak nitong sina KC at Garie Concepcion na biruin ang ama at ihalintulad siya sa character ni Tom Hanks sa pelikulang Cast Away kung saan mistulang ermitanyo na ang bida matapos ma-stranded sa isang island.

Samantala, inaabangan na ang pagbabalik-telebisyon ni Gabby at ang first on-screen tambalan nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa GMA series na First Yaya.

Kwento ito ng isang kasambahay ng First Family na mahuhulog ang loob sa Presidente.

Si Piolo naman ay nauna nang nag-post na nasa Mindoro siya. “I’ve never seen the island of Mindoro so clear from a distance... the seas have been quiet the last few days and air is much clearer... time to reflect and really listen... pray for each one, everyone... please stay indoors for your sake and everyone around you... we can do this... ,” na picture ng clear sky sa nasabing probinsiya.

No color, gray hair all natural din ang hitsura ng actor na handsome pa rin naman.

Ms. Rei ng Beautederm nagpa-bid ng Hermès para covid

Kung ang iba ay nagpa-fundraising para makapag-donate, iba naman si Ms. Rei Tan ng Beautederm Corporation.

Nagpa-bid siya ng ilang alahas niya at mga branded bag, wallet, shades, clothes at iba pa.

Pinaka-expensive ay ang Hermes bag na worth P500,000. Super giveaway pa raw ang nasabing presyo at complete pa with box and raincoat.

Luxury for a cause ang nasabing project ni Ms. Rei. Marami na agad nakabayad kaya nag-uumpisa na siyang magpa-distribute ng donations.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbid!! Naiabot kona po sa iba ang payment nyo,

“Also namimili na din ang aming team ng pangrelief natin. Nagkakalkal pa po ako ng mga gamit ko para meron pa ko ipabid ehehe! Superr good deal po lahat at sure ako na magugustuhan po ninyo.

“All of the collection proceeds , as in 100 % from this auction will proceed to some of my chosen charities and homeless communities.

“Kaya salamat po !! Sharing this to inspire others, na kahit malaki man o maliit ay pwede tayong makatulong sa ting mga kapatid .

“Let us all say #YestoLove please...  #ContriBeauT po tayo . No one has ever become poor by giving. God bless us all! And Yes, this too shall pass. Amen. ”

Bongga siya ‘di ba.  Nagbenta talaga ng mga mamahalin niyang gamit para makatulong na rin at same time nakapag-unload pa siya ng mga gamit niya.

Actually, ‘yung mga pina-bid niyang set of jewelries expensive ang hitsura pero super low ang binigay niyang presyo.

Bukod dito nagpagawa na rin siya ng mga face shields at face mask for the frontliners.

GABBY CONCEPCION PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with