Robi Domingo
Robi, hindi makapaniwala sa nangyayaring quarantine
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2020 - 12:00am

Naaalala ni Robi Domingo ang kanyang pagiging housemate noon sa Pinoy Big Brother house dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon. Matatandaang sa PBB nagsimula ang aktor noong 2008 bago pa naging isang ganap na artista. “Bumalik ‘yung feels mula sa PBB. Parang lahat tayo housemate, nararamdaman ko ‘yung mga magulang ko, mga kapatid ko. It’s a good opportunity para maka-bond ko ang pamilya ko,” bungad ni Robi.

Halos hindi raw makapaniwala ang binata sa mga nangyayari ngayon sa bansa dahil sa panganib na dulot ng coronavirus disease 2019. “No’ng mga first few days, aaminin ko hindi ako talaga makapaniwala. Parang ano ba ang nangyayari? Parang pelikula na nagkatotoong buhay. Bawal ka lumabas, bawal ka pumunta sa usual na pinupuntahan mo kasi nga may physical distancing tayo. Siguro on the fourth day, nagsabi ako na parang tama nga ‘yung mga nangyayari. Kailangan natin i-acceot talaga,” pagbabahagi niya.

Bukod sa pamilya ay mas pinapahalagahan ngayon ni Robi ang trabaho ng ibang tao maging ang kanilang mga kasambahay. “Mas na-appreciate ko ‘yung mga trabaho ng ibang kapamilya natin like for example, barber. Hindi tayo makalabas ngayon, kating-kati na ‘yung ulo ko dahil ang haba na ng buhok ko. Actually mga kasama natin sa bahay na parating nandiyan para sa ating lahat, mas na-appreciate ko ‘yung trabaho nila. Mas na-appreciate ko ‘yung value ng quality time sa pamilya. Sa panahon ngayon kahit na mayroon kang pambili ng pagkain, hindi mo naman magagamit masyado kasi hindi ka pwedeng lumabas. Meron ka ngang kotse, hindi mo naman pwedeng mailabas para makapunta kung saan-saan. At the end of the day, na-realize ko na ang pinakaimportante sa lahat ay pamilya. Lahat ng bagay nawawalan ng value pero ang pamilya nandiyan forever,” paliwanag ng aktor.

May isang bagay daw na agad gagawin si Robi kung sakaling bumalik na sa normal ang lahat. “Magpapagupit talaga ako. Iba na ‘yung hitsura ko ngayon. Kamukha ko na si Yorme sa Showtime. Mukha ng bunot ulit ‘yung buhok ko,” pagtatapos ng binata.

Moira ang daming fear

Kasalukuyang nasa Las Vegas ngayon si Moira dela Torre kasama ang asawang si Jason Marvin Hernandez. Naka-quarantine ngayon ang mag-asawa at umaasa ang singer na matatapos din ang krisis na kinakaharap ngayon ng buong mundo dahil sa COVID-19. “In this time po sobrang wala po tayong makapitan other than God na siya talaga ‘yung sure. Covid-19, no one really knows exactly how it starts, what kills it exactly. So ang daming fear na nabubuo sa hearts natin. Lalo na ngayon na nakakulong tayo sa bahay, ang dami nating iniisip. We really have to be careful with how we think and who we hold on to. And this time, we really have to hold on God and grow our faith. Kasi after this whole season, when this pandemic is over, we want to come out stronger,” maikling pahayag ni Moira. (Reports from JCC)

MOIRA DELA TORRE ROBI DOMINGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with