Moira hindi namalayan ang depression noon
Moira

Moira hindi namalayan ang depression noon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

Twelve taong gulang pa lamang ay nakapagsusulat na ng mga kanta si Moira dela Torre. Hindi raw inakala ng singer na magagawa niya ito sa murang edad niya noon. Para kay Moira ay malaking bagay ang kanyang mga naranasan noong kabataan na naging inspirasyon niya upang makaliha ng mga kanta. “At that time I was going through my family splitting up. I did not know how to handle it. I didn’t know I was going through, anorexia, because I did not know what that was called. I didn’t know I was undergoing depression. I didn’t know I was supposed to handle things but I didn’t do it,” pagbabahagi ni Moira.

Masaya ang singer dahil maraming tagahanga ang tumatangkilik sa kanyang mga nililikhang awitin. Nakapagbibigay rin ng inspirasyon ang mismong mga komposisyon o kanta ni Moira sa mga patuloy na humahanga sa singer. “I know when I step on that stage, and one person feels encouraged, then I already know that I fulfilled my calling. That trumps every fear that anxiety that I have, just knowing that I have changed a person’s life,” paglalahad niya.

Hanggang maaari ay gusto ni Moira na maging kakaiba ang tunog ng kanyang musika pero dapat ay maging natural lamang ang dating nito sa mga tagapakinig. “That’s something I’m protecting. That’s something my lola always tells me. She said, ‘No matter what stage you get on, make sure you never forget your calling.’ Kasi kapag tuloy-tuloy lahat, sunod-sunod lahat. Sometimes it gets robotic,” paliwanag ng singer.

Vivoree at Donny sobra ang closeness

Maraming mga tagahanga ng tambalan nina Vivoree Esclito at Charles Kieron o mas kilala sa tawag na KierVi ang nagtatanong kung kailan ulit magkakapareha sa proyekto ang dalawa. Maraming mga proyekto na ang nagawa ng KierVi pero ngayon nga ay pansamantalang nakatigil ang mga trabaho dahil sa paglaganap ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa. “I’m not sure. We will see, depends on where work will take me,” nakangiting pahayag ni Vivoree.

Kabilang ang aktres sa digital series na He’s Into Her na pinagbibidahan nila nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. May bulung-bulungan na nagiging malapit na umano si Vivoree kay Donny dahil sa bagong proyekto na malapit nang mapanood sa iWant. “Feeling ko nabuo sa He’s Into Her, nagwo-work kami diyan,” giit ng aktres. (Reports from JCC)

MOIRA DELA TORRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with