Franki Russell
Franki, laging ikinukumpara kay Pia
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2020 - 12:00am

Kamakailan ay aming nakapanayam sa Tonight with Boy Abunda ang dating Pinoy Big Brother Otso edition housemate na si Franki Russell. Madalas na nakikitang kasama ng dalaga ngayon ang dating kasintahan ni Pia Wurztbach na si Marlon Stockinger. Mayroon na kayang espesyal na namamagitan kina Franki at Marlon? “No po, yes we’re friends. Getting to know each other po. As in friends kami, we’re hanging out in groups. we’re both single po, he’s single and I’m single and there’s nothing wrong with that. Sobrang bago, I’ve been here in the Philippines for one year so I’m very open po talaga to meeting people and making my circle a little bigger. Actually I don’t go out too much,” pagbabahagi ni Franki.

May ilang netizens na ikinukumpara ang baguhang aktres sa Miss Universe 2015 sa tuwing nakikitang kasama si Marlon. “Yeah! opo, there was a point in time that I would read negative things pero ngayon na-realize ko it’s not gonna make me feel any sort of happiness. I’m just trying to block na lang din,” dagdag pa niya.

Noong isang linggo ay makikitang magkasama sina Franki at Marlon na sumasayaw sa Tiktok video na naka-post sa Instagram account ng binata.

Samantala, masayang-masaya si Franki dahil napabilang sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Bilang baguhan pa lamang ay hindi raw inakala ng dalaga na agad siyang mapapasabak sa isang maaksyong proyekto. “Ako po si Hannah Robles, part of Task Force Agila kasama ni Cardo. I did not expect doing an action role for that very first project here in the Philippines. I just can’t still believe it. Coco talaga really teaches us, like how to hold the gun, how to salute. He’s very generous in helping us. It feels like family talaga. There’s no hierarchy. We all eat together, we all laugh together,” nakangiting kwento ng aktres.

kanta ni Darren bagay sa  pinagdaraanan ng bansa

Ikinatuwa ni Darren Espanto ang pagkakapili bilang theme song ng teleseryeng A Soldier’s Heart sa kanyang kantang ‘Sasagipin Kita.’  Orihinal na komposisyon ng singer ang naturang awitin na bagay na bagay din sa pinagdaraanang pagsubok ngayon ng bansa dahil sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 o covid-19. “Sobrang nagulat ako, sobrang hindi ko po in-expect na mapi-pickup po ng A Soldier’s Heart ‘yung song. Sasagipin Kita is one of my original compositions and I wrote it po talaga kasi pinangarap ko po talaga ‘yung kantang ‘yon na maging parte siya ng isang teleserye. That’s one of the inspirations kung bakit ko po ‘yon sinulat. Gusto ko pong magkaroon ng kanta na after people hear it, will give a bit of inspiration and hope din sa dami ng pinagdadaanan natin,” pahayag ni Darren.

Laganap din sa ibang bansa ang covid-19 kaya maraming shows ng singer ang nakansela na. “Yung iba na-move to a later date. But I feel like it’s safer for everyone na mag-stay lang talaga at home dahil para sa ikakabuti naman po nating lahat ‘yon,” pagtatapos ng singer.  (Reports from JCC)

FRANKI RUSSELL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with