Mga naka-quarantine, naging abala sa panonood ng libreng pelikula

Julia

 Patok ang libreng 1,000 pelikula sa iWant ng ABS-CBN.  Triple diumano ang itinaas ng pano­nood o views nito noong nakaraang linggo kung kailan nasa bahay lang mga tao sa Luzon dahil sa enhanced community quarantine.

 Ayon sa natanggap kong data, mula Marso 15 hanggang 21, ang limang pinakapinanood na mga pelikula sa iWant ang “Exes Baggage,” “She’s Dating the Gangster,” “Fantastica,” “Four Sisters and a Wedding,” at “Barcelona: A Love Untold.”

Maging ang original movies at series daw ng iWant ay nakapagtala rin ng 45% na pagtaas sa bilang ng views sa parehong linggo.

Kabilang sa humataw at kumalap ng pinakamaraming views ay ang “I Am U” ni Julia Barretto, “Fluid” ni Roxanne Barcelo, “Sunday Night Fever” nina Nathalie Hart at Diether Ocampo, “The Tapes” nina Sam Milby at Yassi Pressman, at “Hush.”

Sa iWant na rin daw nanonood ang libo-libong users ng DZMM Teleradyo upang makakuha ng balita kaugnay ang COVID-19.

At kaya pala mas mabilis nang manood ngayon kasi binabaan nila ng 33% ang kalidad ng bidyo.

In all fairness, ang iWant ang natata­nging streaming service sa bansa na may pinakamalaking koleksyon ng Pinoy video content. Mayroon itong original shows at movies, pelikula, serye, dokumentaryo, live events, at restored versions ng movie classics na maaaring i-stream. 

 Eh ngayon dahil hindi nakakalabas ng bahay at work from home ang karamihan, chance na talaga ito para mapanood ang mga pelikulang hindi natin naabutan sa mga sinehan.

Show comments