Sam
Sam tinangging may symptoms ng virus
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

Walang symptoms si Sam Milby na may coronavirus din siya tulad ni Iza Calzado.

Bago pa raw kasi nag-positive si Iza ay pinag-quarantine na ang ibang cast ng upcoming teleserye nila Iza na Ang Sa Iyo Ay Akin with Jodi Sta. Maria, Maricel Soriano and Sam.

“With so much happening around the world and in our nation right now, I know so many of us are fighting this seemingly overwhelming battle with prayer. Could I ask too, that you include my co actor @missizacalzado in your daily prayers as she has been in the hospital fighting the virus.”

Pagpapatuloy niya : “Also thank you to everyone who has expressed concern for my health. I understand some articles have come out questioning my well-being but I’m healthy with no symptoms, nasa bahay lang doing self-quarantine.

“Let’s keep praying for Iza, and for everyone na nagtest positive, their families who are anxious too, and to our health workers who are the most exposed and all of our other frontliners who are out there risking their health and lives para sa atin lahat #PrayingForIza #GratitudeForTheFrontliners,” ang post ni Sam the other night.

By the way, bago pa ang nagaganap na Enhanced Community Quarantine ay sinasabing sina Sam at former Miss Universe Catriona Gray ay officially mag-on na.

Though walang confirmation na nanggaling sa kanila.

Sine’skwela, bayani, hiraya manawari ipapalabas uli sa ABS-CBN

Muling mapapanood ang Sine’skwela, Bayani, at Hiraya Manawari, mga programang kinapulutan ng aral ng batang 90s, tuwing Sabado ng umaga simula March 28.

Dala ng Sine’skwela tuwing 8:30 AM ang simpleng pagtalakay sa mga kumplikadong aralin sa siyensya at teknolohiya kasama ang iba’t ibang karakter na sama-samang tutuklasin ang mga sagot ng bawat tanong.

Ang Sine’skwela ay nag-iwan ng marka sa mga estudyante noong 90s at early 2000s nang imandato ng Department of Education (DepEd) na ipalabas bawat linggo sa mga klase bilang tulong sa pag-aaral ng mga estudyante sa siyensya.

Dadalhin naman ng Bayani, na mapapanood tuwing 9:00 AM, ang mga kabataan sa sinaunang panahon kung saan mas makikilala nila ang mga tinitangalang bayani ngayon at makikita kung paano nila ipinaglaban ang kalayaan ng mga Pilipino.

Gaya ng Sine’skwela, ang Bayani ay inendroso rin ng DepEd para madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante. Ilan sa mga bayaning tinalakay sa palabas ay sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, at Apolinario Mabini.

Iba’t ibang kwentong kapupulutan ng kagandahang asal ang matutunghayan sa Hiraya Manwari kada 9:30 AM sa pagpapakita nito ng mga karakter na magpapamalas ng mga mabubuting aral na dapat tularan ng mga kabataan.

Ang Sine’skwela, Bayani, at Hiraya Manawari ay likha ng ABS-CBN Foundation, ang dating ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc., na itinayo ni Gina Lopez.

IZA CALZADO SAM MILBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with