Sec. Karlo Nograles
Sec. Karlo, klarong magpaliwanag
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

Kaibigan ni Cong. Alfred Vargas si Cabinet Secretary Karlo Nograles kaya na meet ko siya sa kasal nila ni Yasmine.

Bata at very impressive ang personality ni Sec. Karlo na ngayon ay kilalang-kilala na ng lahat dahil nga siya ang spokesman ng palasyo sa covid-19.

Type ko kung paano niya ipara­ting ang mga importanteng information sa buong bayan, maganda ang boses, very clear, madaling maintindihan ang ginagamit niyang mga salita kaya perfect siya sa ibinigay na trabaho ni Presidente Rodrigo Duterte.

Now alam ko na kung bakit love na love siya ni Lynette.

Bravo Sec. Karlo Nograles.

Ipagpatuloy mo ang ginagawa bilang spokesperson ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (COVID-19).

Nakakatakot na ang mga pangyayari pero kung maayos na maipaliliwanag ay kumakalma ang lahat.

Offer ng US sa mga doktor, nakaka-worry

Scary para sa akin Salve iyon invitation ng US para sa mga doctor na may kaalaman sa covid 19.

Alarming dahil baka matukso ang mga doctor natin na tanggapin iyon alok.

Ang invitation is for doctors to just go to the embassy and apply for working or exchange visa.

My God, they’re tempting our doctors to work there, stay there. Kokonti na lang nga ang mga doktor natin kung ma-a-attract pa, tiyak mababawasan pa.

Please don’t get tempted, mas kailangan kayo ng mga kababayan natin.

Show your love for our country, Pilipinas muna bago iba. Ipakita n’yo na kahit mas maganda ang alok nila, mas maganda facility nila, ang puso n’yo nasa ‘Pinas.

Huwag n’yo iwan ang mga kababayan n’yo na mas kailangan kayo ngayon.

Please be our heroes. We need you.

Kapuso stars, nakiisa sa We Heal as One

Nakiisa ang Kapuso singers na sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Christian Bautista, Mark Bautista, Rita Daniela, Ken Chan, at Pops Fernandez sa revival ng 2019 SEA Games official theme song na We Win As One. Ang komposisyon ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab ay mu-ling isinulat at binigyan ng bagong title na We Heal As One na naaayon sa krisis na kinakaharap ngayon ng mundo dahil sa COVID-19.

Mensahe ng awitin na malalagpasan natin ang pandemic na ito nang sama-sama.

Ang ibang singer na kabilang sa campaign na ito ay sina Lani Misalucha, Apl de Ap, Lea Salonga, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Menchu Lauchengco, Jed Madela, Robert Seña, Isay Alvarez, Ogie Alcasid, Inigo Pascual, Michael Williams, Bamboo, at Paolo Valenciano.

KARLO NOGRALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with