^

PSN Showbiz

Kris kailangan ng matibay na matibay na resistensya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Kris kailangan ng matibay na matibay na resistensya!
Kris

Si Kris Aquino ang palaging inuusisa sa amin ng marami kung kumusta ang kalagayan ngayon. Ang aktres-TV host din naman kasi ang matagal nang nagsasabi na may kahinaan ang kanyang resistensiya sa mikrobyo.

Auto immune system. Du’n may problema si Kris kaba mabilis siyang tamaan ng allergy. Wala siyang matinding panlaban sa mga tinatawag na foreign bodies.

Ang ganda-ganda ng mga bulaklak na ipinadadala sa kanya ng mga kaibigan pero hindi man lang niya mahawakan. Bawal kasi sa kanya ang pollen, agarang umaandar ang kanyang allergy, mabilis na namamaga ang kanyang mukha at hirap siyang huminga.

At sa panahon ngayon na pinagdadaanan natin dahil sa mapamuksang COVID-19 ay panay-panay ang payo ng DOH na kailangang patatagin natin ang ating resistensiya bilang panlaban sa virus.

Sapat na tulog, balanseng pagkain, mga bitamina at dob­leng pag-iingat-pag-aalaga sa ating sarili ang palaging ipinapayo ng mga dalubhasa.

Kayang-kayang sustinihan ni Kris ang kanyang sarili ng anumang bagay na maaaring magpatibay sa kanyang resistensiya. Sa kayamanang meron siya ay hindi siya aatakihin ng virus dahil kayang-kaya niyang sundin at gawin ang mga kailangan para mapaglabanan ang pandemic na COVID-19.

At wala pang COVID-19 ay ‘yun na ang madalas naming sulatin, ang sana’y maging ligtas si Kris sa anumang karamdamang magpapabagsak sa kanya, panalangin din ‘ yun ng kanyang mga mahal na tagasuporta.

Sana’y matibay na matibay na ang resistensiya ni Kris Aquino bilang armas ngayong matinding giyera sa COVID-19 ang lumulukob sa buong mundo.

Mayor Enrico hindi nakapagpigil

Napanood namin ang isang galit na galit na Mayor Enrico Roque sa 24 Oras. Kahit bulag at bingi ay isandaang porsiyentong makakaunawa sa ikinagagalit ng mayor ng Pandi, Bulacan.

Binigyan ng pamahalaan ng bayan ang mga tagapamuno ng bawat barangay nila. Naglabas ng pondo si Mayor Enrico, ang mga barangay chairman na ang bahalang bumili ng mga pangunahing produktong kailangan ng kanilang mga nasasakupan, pero hindi naging maayos ang pamamahagi ng mga biyaya sa isang barangay.

Sa Barangay Bagong Barrio nagkaroon ng problema. Pitong libo ang mga tagaroon na nagrereklamo dahil ang tinanggap nilang bigas ay inuumok na.

Ang mga de-lata ay binawasan, tinipid sila ng kanilang barangay chairman, imposibleng hindi ‘yun makarating kay Mayor Enrico dahil sa lugar na ‘yun siya lumaki.

Sobra nga namang pagsasamantala ang ganu’n, nakakaawa na nga ang mga kababayan nating pinagbawalang makapagtrabaho dahil sa enhanced community quarantine, pagkatapos ay gagawin pa silang busabos?

Napakahirap kainin-lunukin ng inuumok nang bigas. Kahit gaano pa kasarap ang ulam na ihain sa atin ay magrereklamo ang ating panlasa, hindi na tayo dapat mapili pa sa mga panahong ito, pero tratuhin pa rin sanang tao ang mga kababayan nating nagdarahop sa  buhay.

Galit ng galit si Mayor Enrico na kilalang-kilala sa pagi­ging marespeto at mapagmahal sa kanyang mga kababa­yan. Galing din siya sa hirap, alam na alam niya ang damdamin ng mga kapos sa buhay, kaya kumawala ang napakahaba niyang pasensiya at pang-unawa.

Bago pumasok sa mundo ng pulitika si Mayor Enrico ay isang matagumpay na siyang negosyante. Wala pa siya sa posisyon nu’n pero sa kanya na lumalapit ang mga walang-walang Pandieno.

Hindi niya ninenegosyo ang kanyang posisyon, baka nga abono pa siya sa ginawa niyang pagsalo sa mga pangangailangan ng kanyang mga kababayan na hinuhugot sa sarili niyang bulsa, kaya ang matindi niyang emosyon nang makarating sa kanya ang impormasyon na lumang-lumang bigas ang ipinamahagi sa Bagong Barrio ay kauna-unawa.

Bihirang-bihira naming makita sa ganu’ng estado ang mayor ng Pandi. Kilala namin siya sa pagiging cool, kapos siya sa mga salita, pero sagana naman siya sa aksiyon.

Hindi naman namin nilalahat, pero totoong naglipana ngayon ang mga serbisyo-publikong nagsasamantala, ginto ang tingin nila sa matinding problemang hatid ng COVID-19.

Opotunidad ito para sa kanilang tiwaling gawain. Ito na ang pagkakataon para managana ang kanilang bulsa. Titipirin nila ang kanilang mga nasasakupan para sa kanilang personal na interes.

Wala na raw tiwaling lingkod-bayan ngayon, sabi ng mga opisyal ng Palasyo, talaga lang? Isang malaking kalokohan ‘yun. Mula sa kanayunan hanggang sa kabayanan hanggang sa mataas na opisyal ng ating pamahalaan ay sampu-sampera pa rin ang mga tagapamuno na gutom at uhaw sa bulsa ng ating bayan.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with