Jennylyn naging palaban sa COVID
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2020 - 12:00am

Biglang naging palaban si Jennylyn Mercado sa kanyang social media account kaya.

Kaya tuloy nagulat ang ibang followers niya. “Siya ba talaga ‘yun o admin lang,” tanong ng ibang showbiz followers niya.

Hindi kasi usually ma-opinion ang Kapuso actress sa current issues. Karaniwang mga promo-promo and life routine lang ang nilalagay niya sa kanyang social media account.

Pero iba ang opinion niya kahapon kaugnay sa dumaraming kaso ng novel coronavirus sa bansa.

“Ulitin lang po natin. Kahit anong antas o status mo sa buhay, may kapangyarihan man o wala, BAWAL Magsinungaling.

“Mga Buhay ay nakataya sa pagsabi mo ng totoo,” unang post niya.

Ito ay tungkol sa isang doktor na namatay sa COVID matapos magtago ng kanyang travel history ang isang patient.

As of this writing ay limang mga bagong bayani (doctors) na ang namamatay sa coronavirus.

Binira rin Kapuso actress ang itinanggi ng DOH na VIP testing sa mga pulitiko kasama na ang kani-kanilang pamilya.

“Hindi po kami magsasawang uliting sabihin na sana dumami na ang mga test kits na ipapamahagi ng ating gobyerno sa medical community para mas madaming matest na nangangailangan nito.

“At habang limited pa eto, ay lahat sana ay sundin ang guidelines. No one is exempted. Pantay pantay po tayo. Muli po naming pinapaala duon sa mga taong may Power o Pribilehiyo na maging “VIP” na wag ninyo unahin ang inyong pangpersonal na interes.

Ang Test Kits ay hindi para sa mga Mayayaman o VIP, kungdi para sa may mga Sakit.

1 Test Kit = 1 Life #NoToVIPTesting #EveryFilipinoCounts #ProtectOurFrontliners,” na last week pinag-usapan.

Baka rin may nag-advice kay Jennylyn na ‘wag nang makisali sa mga nagpo-post lang ng kung anu-ano dahil sa pagka-inip sa nangyayaring enhanced community quarantine.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with