^

PSN Showbiz

Corona bye bye ni Vice nag-trending agad!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Corona bye bye ni Vice nag-trending agad!
Vice

 ‘Hindi talaga natin hawak ang kinabukasan’ Judy Ann, natatakot na

Maraming na-curious nung unang inanunsyo na magkakaroon ng “at home” concert ang ABS-CBN sa Channel 2. Never pa itong ginawa sa telebisyon at talagang nakaisip ng paraan ABS-CBN kung paano pagsasamahin ang kanilang mga artista para sa isang palabas mula sa kani-kanilang mga bahay.

Bongga huh. Biro mo, higit 100 stars ang nagbigay ng song number, mensahe, at tips.

Chance na rin ‘yon para masilip ng fans ang mga bahay ng mga iniidolo nila.

Sina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Judy Ann Santos, Liza Soberano, Enrique Gil at iba pa ang ilan sa lumahok sa fund-raising concert para sa Pantawid ng Pag-big project ng network.

Ayon sa netizens, isang magandang hakbang ito ng network para naman maibsan ang stress na nararamdaman ng mga Pinoy.

Bukod rin daw kasi sa pag-aliw sa kanila, pinapaalala ng  at kanilang mga artista na kaagapay natin sila sa sitwasyong pinagdadaanan natin. 

Samantala, isa sa mga nagtrending sa nasabing digital concert hanggang kinabukasan ay ang bagong kanta ni Vice Ganda tungkol sa coronavirus na  Corona Bye Bye Na.

Tweet ni Vice, “Corona Ba-Bye Na composed, recorded, filmed and edited in one day. Hahahhaha!” 

Aliw na aliw nga ang netizens sa nasabing kanta ng sikat na komedyante na nagpangiti sa lahat ng Kapamilya nitong weekend. 

Ang lakas din kasing maka-LSS (last song dyndrome) ng nasabing kanta.

Post ng isang netizen, “Ako lang ba? O sige baka kayo rin? Ang ganda at ang saya lang ng vibes ng palabas ng ABS-CBN ngayon. From messages, songs, and prayers. Thank you kapamilya network! Well, nakaka LSS ‘yung kay ate Vice ah. Hihi!”

“I stan Vice Ganda! You never fail to inform and to make us laugh, meme!,” comment ni notowkie.

Ayon din sa isang Kapamilya network insider, ang lahat ng bayad sa ad placements sa nasabing concert ay idodonate din sa “Pantawid ng Pag-ibig” donation drive ng network.

Ang isa pang tagos sa nasabing concert ay ang sinasabi ni Judy Ann Santos na : “Isa lang ang masasabi ko. Sa pagkakataong ito, lahat tayo ay pare-parehong natatakot, nangangamba kung ano ba ang kinakaharap natin. Pero karamihan sa atin maraming supplies, maraming nakahanda pero hindi ito ang panahon nang pagdadamot. Hindi rin ito ang panahon nang pagba-bash sa mga kapwa natin kapamilya. Sa pagkakataong ito, magtulungan po tayo, magdasal tayo. Manalig tayo na malalagpasan natin ito.

“Bilang Pilipino, wala naman tayong sakuna na hindi nalagpasan. Pero ito po ang panahon na magtulungan tayo. Sampung piso (P10), P50, or P100 na puwede nating maipamahagi sa ating mga kapamilya, kapatid, kapuso, ibigay na po natin para pare-pareho po tayong maging kalmado sa panahong ito,” pahayag ni Judy Ann.

“Hindi talaga natin hawak ang kinabukasan natin sa panahong ito, pero ang mayroon tayo ay pananalig. Iyon ang pinakamalaking sandata na hawak natin sa sakuna na pinagdadaanan natin. Hindi lang ng Pilipinas kung ‘di ng buong mundo. Nakakalungkot pero tignan natin ito sa positibong paraan.

“Hindi ba masaya ring tingnan na nakikita nating lumalaki at nadidiskubre natin ang mga nagagawa ng mga anak natin? Kung ano pa ang puwede nating magawa sa mga bahay natin. Naghahanap tayo ng pahinga, ibinigay ng Diyos sa atin ang pahinga. Namnamin natin ito pero sa kabila ng pagnanamnam natin, tumulong po tayo sa mga higit pang nangangailangan sa kung paano mang paraan. Malalagpasan natin ito na may mga ngiti sa mukha natin dahil ganun tayong mga Pilipino.

 “Itong virus na ito, kung puwede siyang gawing isang kontrabida, sikat na sikat na siya ngayon. Pero walang makakatalo sa Diyos. Siya lang ang puwede nating pagkatiwalaan sa panahong ito. Para sa akin, anuman ang maabot ng makakaya ko, ibibigay ko po. Sana po sama-sama tayong magtulong-tulong para sa mga kapamilya nating nangangailangan. Pare-pareho tayo nang pinagdadaanan, pare-pareho tayong naka-community quarantine pero hindi lahat pare-pareho ng estado. Intindihin po natin ‘yon. Huwag po tayong mag-pa­nic buying … manatili tayo sa mga bahay natin dahil ang mga fronliner natin ay binubuwis ang buhay nila para sa atin. Magpasalamat tayo ng buong puso dahil ginagawa nila ang lahat ng makakakaya nila para sa atin,” dagdag pa niya.

“And, let’s all stay positive, huwag sa corona, pero positibo sa buhay. Ngumiti tayo, tumawa tayo, enjoy-in natin ang simpleng mga bagay sa buhay kasi ‘yon naman talaga ang dapat.”

Bago matapos ang digital concert, sinabi ni Zen na nakalikom ng P237M ang “Pantawid ng Pag-ibig.” 

Ito ay kahit nga hindi pa ayos ang kanilang prangkisa at mapapaso na sa Mayo, tuloy-tuloy pa rin ang paghahanap nila ng paraan para makapagbigay serbisyo sa mga Pilipinong naapektuhan ng covid na ayon sa huling report ng DOH ay 462 na ang positive cases habang maraming mga nawalan ng trabaho dahil na sa pinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

 

 

 

VICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with