_ngayon
^

PSN Showbiz

Tonton at Glydel natakot mag-celebrate ng wedding anniversary

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Tonton at Glydel natakot mag-celebrate ng wedding anniversary
Glydel & Tonton

Nakatutok pa rin ang lahat sa COVID-19 at habang tumatagal ay lumolobo pa ang datus ng mga naapektuhan ng nakakamatay na virus, kaya lalong tumitindi ang takot.

Pero sa gitna nito, nairaos nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang kanilang pag-iisang dibdib, kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.

Magkakaroon naman daw ng malaking selebrasyon kapag humupa na itong takot COVID-19 at normal na ang takbo ng buhay.

Kahapon naman ay ipinagdiwang ng Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang kanyang 32nd birthday kasama ang kanyang pamilya.

Basta mairaos lang daw ang kanyang kaarawan kasama ang mga mahal sa buhay ay masaya na si VG Jolo.

Iyun nga lang, hindi kasama ang Papa niyang si Sen. Bong Revilla dahil ilang araw pa siyang naka-voluntary quarantine.

Nakahiwalay pala talaga si Sen. Bong at hindi raw muna siya nakakasama ng ilang araw.

“Kailangan eh. Ang dami naman naming senador na kailangang mag-voluntary quarantine eh.

“Pero hinihintay lang namin si Sen. Sherwin (Gatchalian) na maging okay at kapag negative naman siya, safe na kaming lahat,” pahayag ni Sen. Bong.

Happy birthday kay Jolo at congratulations sa paghirang sa kanya bilang chairman ng NMYL o National Movement of Young Legislators.

Kahapon din ay ipinagdiwang ng mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado ang kanilang 16th wedding anniversary.

Natawa na lang ako sa text sa akin ni Glydel Mercado na “Anniversary lockdown” daw muna sila.

Post nga ni Glydel sa kanyang Instagram account; “Happy anniversary babe!!!Waaahh! Di tayo makalabas (cry at laugh emoji) Love you!!! (3 hearts emoji)”

Tuwing anibersaryo ng mag-asawa, nagbabakasyon sila kasama ang dalawa nilang anak na sina Aneeza at Aneeka - out of town o sa ibang bansa.

Pero dahil nga sa takot sa COVID-19 at ipinapatupad na community quarantine, sa bahay na lang daw sila. Kaya “anniversary lockdown” raw ang celebration.

Ang isa pang inaalala nila ay hindi raw nila tiyak kung may nakasalamuha sila sa labas na maaring nahawa ng COVID-19 kaya nag-iingat din daw sila sa bahay.

Kaya nag-exchange gifts daw sila sa kanilang anibersaryo ng face mask at alcohol at 1 meter daw muna ang distansya nila sa isa’t isa.

Pati nga raw ang mga intimate moments nilang dalawa ay iwas daw muna para maging safe lang pati na rin ang kanilang mga anak at mga kasama sa bahay.

Kaya tinanong ko siya kung wala ba silang ‘anniversary d--g.”

“Wala! For safety purposes na rin hahaha,” text back sa akin ni Glydel.

Binabati pa rin namin ng Happy anniversary ang mag-asawang Tonton at Glydel na lalo pang pinagtibay ang kanilang pagsasama.

Kasama ang mag-asawa sa mga active na brand ambassadors ng Beautederm.

GLYDEL MERCADO TONTON GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with