_ngayon
^
Gerald ginawang ambassador of goodwill sa Congress!
Vilma and Gerald

Gerald ginawang ambassador of goodwill sa Congress!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2020 - 12:00am

Siguro nga masasabing positibo ang naging pagdalaw ni Gerald Anderson sa lower house ng Kongreso.

Wala naman yata siyang ginawa roon dahil wala namang sinabing pakay niya, pero sinasabing siya ay ginawang ambassador of goodwill na kung anong function noon ay hindi natin alam.

Pero ang sabi, nakipag-picture taking siya na kasama si Speaker Alan Peter Cayetano at ilan pang mga celebrity congressman / congresswoman.

Ang nakita namin dahil maraming nag-post ay ang pictures niya na kasama si Congresswoman Vilma Santos. At walang dudang ang nag-post noon ay  fans ni Ate Vi, dahil may sinasabi silang mukhang bagay na gumawa ng pelikula ang dalawa.

Kaya naman namin sinasabing nakabuti dahil maganda na ang sinasabi ng mga congressman, kabilang na si Speaker Cayetano tungkol sa ABS-CBN franchise renewal sa ginanap na hearing kahapon.

At doon, ay nilinaw nang bibigyan na nga ng NTC ng provisional permit ang ABS-CBN, base sa legal opinion ng DOJ, habang hindi pa nakakalusot sa kongreso ang kanilang franchise.

Sinabi pa ni Cayetano na wala naman daw kasing dahilan para patigilin ang ABS-CBN.

Hindi kami magtataka kung sa mga susunod na araw, mas maraming mga sikat na emisaryong ipadadala ang ABS-CBN sa lower house.

Mas maganda pala ang epekto noon kaysa sa mga ginagawa nilang indignation rally sa harapan mismo ng studio nila.

At saka isipin ninyo ano, naiba ang image ni Gerald. Ilang buwan lamang ang nakalipas sangkot siya sa isang controversy dahil sa sinasabing “ghosting kay Bea Alonzo” at panliligaw naman kay Julia Barretto na inamin niya sa tatay noon. Ngayon biglang ambassador of goodwill siya.

Magaling ang nakaisip niyan.

Gretchen pinaka-sexy pa rin sa mga Barretto

Pinag-uusapan nila ang naging social media post ni Julia Barretto noong kanyang birthday na wala siyang suot na bra.

Eh nakatalikod naman eh, at saka marami nang gumawa nang ganyan. Kahit na nga si Bea Alonzo may ganyan ding pose noon pa.

Sa ngayon hindi ka na magugulat kung sasabihing walang bra. Mas makakagulat kung sasabihing walang panty. Pero ma­ging iyan ay nangyayari na sa mga pelikula eh. Marami na ring pictorial ang mga artista na ganyan.

Ang mga Barretto naman ay nakilalang sexy ang image dahil ang talaga namang sumikat nang husto sa kanila at naging dahilan kung bakit naging artista silang lahat ay si Gretchen Barretto na ‘sex trip’ ang nabuong image noon.

 Ewan lang ha, huwag naman nilang ikagagalit, pero sa tingin namin si Gretchen ang pinaka-sexy sa lahat ng mga Barretto na nag-artista. Kaya naman siya ang pinakasikat.

EB ginawa na lang katatawanan na walang audience

Ginawang comedy ng Eat Bulaga ang hindi nila pagpapapasok ng audience dahil sa COVID-19.

May shot sila sa labas ng studio kung saan naroroon si Wally Ba­yola, na ayaw daw papasukin dahil wala ngang audience, eh iyon ang role niya lately eh, iyong chismosa sa audience. Kunwari pinakiusapan pa nila ang mga guwardiya na papasukin, kahit na iyong tsismosa lang.

Pero sa totoo lang, pinanonood namin iyong show, parang hindi masaya na wala silang audience. Parang may kulang sa show. Hindi mo maipaliwanag kung ano, pero siguro nasanay ka na ngang napapanood mo sila nang halos apat na dekada na, na masaya sa loob ng studio.

Ngayon madilim ang audience area kasi nga wala namang tao.

Para tuloy mas masarap na lang manood ng balita doon sa GMA News TV kesa sa kanila.

Nagkausap naman kami ng manager na humahawak sa natu­rang grupo na si Gio Medina, at pinabulaanan niya ito lahat. Hindi raw totoong nagkulang sila. “May pabahay sila, libreng training sila, workshop, pinadadamitan, libreng pagkain, pinapaaral pa ang iba, may sasakyan, may yaya, may bodyguard, saka allowance na P15,000 a month. Saan ka nakakakita ng ganun?” bulalas ni Gio. “Ayoko nang patulan yan. 2017 pa sila nagsimula, at binigay sa kanila lahat, ngayon lang sila nagreklamo?” sabi pa niya.

“Alam mo bang umabot na ng 200 million pesos ang nagastos sa kanila? Kasi malaking kumpanya yan ang nagha-handle sa kanila. Sa Japan ginu-groom sila nang husto. Inayos, may training, workshop, wala ka nang makikitang ganun!” dagdag niyang pahayag.

Dingdong at Jennylyn kinakikiligan pa rin

Nakukuha na talaga ng Descendants of the Sun ang ilang porsyento ng viewers ng katapat na programa, dahil ang dami nang natutuwa sa takbo ng kuwento nito. Kaya dumidikit na ang rating nito.

Ang isa pang ikinatuwa nila ay alam naman daw ng lahat na married si Dingdong Dantes kay Marian Rivera at committed si Jennylyn Mercado kay Dennis Trillo, pero dahil sa galing nila sa pag-arte may kilig pa rin ang dalawang bida ng DOTS.

Kaya tama lang din ang pagpalit ng timeslot sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, dahil lalong dumami na rin ang mga tumututok sa seryeng ito nina Barbie Forteza, Kate Valdez at Migo Adecer.

 

GERALD ANDERSON JENNYLYN MERCADO VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with