^

PSN Showbiz

Natakot sa bashers Marlon umatras na sa panliligaw kay Frankie?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Natakot sa bashers Marlon umatras na sa panliligaw kay Frankie?!
Marlon

Itinatanggi ng mga taong malapit sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Frankie Russel ang kumalat na kuwentong sila na ni Marlon Stockinger.

Mukhang nanliligaw daw dahil madalas nga silang magkasama, at kamakailan lang ay pumunta pa si Marlon sa management office ni Frankie para sabihin sa handler ng baguhang aktres na huwag na lang pansinin ang mga bashing na natatanggap ni Frankie magmula nang napabalitang nagdi-date silang dalawa. Fans kaya ni Pia Wurztbach ang nam-bash sa kanila?

Kahit nga si Marlon ay naba-bash na rin daw ng supporters ng tandem nina Frankie at ng bisexual na PBB housemate ding si Diana Mackey.

Ang ganda naman kasi ni Frankie, at ang dami na ngang nabighahi sa ganda niya. Isa na rito ang isang Kapuso hunk actor na nakilala niya nung nakaraang Eddys Awards ng SPEEd.

Ewan ko lang bakit hindi na natuloy ang panliligaw nito kay Frankie.

Snooky dedma sa COVID-19

Excited si Snooky Serna sa kanyang pag-alis kahapon patungong Portugal para sa Fantasporto 2020 na nagsimula na nung February 25 at matatapos sa March 8.

Nag-post ang aktres sa kanyang Facebook account na humihingi siya ng dasal sa kanyang safe na biyahe. Kahapon siya lumipad patungong Portugal, kahit may COVID-19 scare na sa Espanya.

Pupunta pa nga raw siya ng Paris bago siya tumuloy sa Portugal.

Shout ni Snooky sa kanyang FB account nung nakaraang Huwebes; “Please pray for my safe trip going to the Porto Film Festival in Portugal. May it be the start of many more blessings to come! #InTheNameOfTheMother”

Bale 40th edition ito ng Porto International Film Festival, at kalahok dito ang pelikula ni Snooky na In The Name of the Mother.

Gustung-gusto talaga ni Snooky na dumalo kaya matagal na siyang nagpaalam sa production staff ng Kapuso primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

“Ipinagpaalam ko sa mga producer. I have to be there. Kasi, nominated kami. I have to represent...

“Excited ako, syempre. Kasi, sa dinami-dami ng mga taon, at hindi naman sa pagmamalaki, awa ng Diyos, iyong places na napuntahan ko na, nakapunta na rin naman ako sa ibang mga bansa...

“Hindi ko pa napupuntahan ang Portugal, kaya thrilled na thrilled ako!” pahayag ng aktres sa nakaraang mediacon nitong drama series niya sa GMA-7.

Nanalong Best Actress ang co-star ni Snooky sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday na si Barbie Forteza, pero hindi   niya ito nadaluhan noon.

Kaya kumpiyansa si direk Joel Lamangan na siyang nagdirek ng In The Name of the Mother na makukuha rin ni Snooky ang Best Actress Award.

Samantala, ang daming natutuwa sa mga kasunod na episodes ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, at marami na ngang nagmi-message sa akin na gustung-gusto nila itong drama series ng Kapuso network, dahil gumaganda raw lalo ang kuwento nito.

vuukle comment

FRANKIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with