"@scarletsnowbelo is trying to help them pick out glassware in Rustans but I don’t think she’s helping that much. Matteo though is so sweet and patient with her," sabi ni Dra. Vicky Belo tungkol sa anak.
Mula sa Instagram account ni Scarlet Snow Belo
Sarah at Matteo nag-shopping para sa kanilang bahay sa tulong ni Scarlet Snow
(Philstar.com) - February 27, 2020 - 9:15pm

MANILA, Philippines — Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Dra. Vicki Belo ang "pagtulong" ng kanyang anak na si Scarlet Snow sa pamimili ng bagong mag-asawa na si Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. 

Sa video, makikita ang ang dalawa habang gumagampan sa kanilang "normal husband and wife duties." 

"Tita Sarah is moving to a new house, so they're buying plates and utensils and cups," sabi ni Belo sa kanyang 4-anyos na anak.

Bago pumunta sa isang department store, nag-high five muna sina Scarlet at kanyang "tita Sarah" at "tito Matteo."

"@scarletsnowbelo is trying to help them pick out glassware in Rustans but I don’t think she’s helping that much. Matteo though is so sweet and patient with her," sabi ng celebrity doctor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

Nangyari ang masasayang tagpong ito matapos ang kontrobersiyal na kasalanan ng dalawa noong nakaraang linggo, kung saan nag-"hysterical" ang ina ni Sarah na si Mommy Divine at pinaratangan ng panununtok si Matteo.

Samantala, nagpost naman si Scarlet sa sariling IG account kasama ang bagong husband and wife, habang nag-iisip kung ano ang aawitin para sa kanila.

"I’m still thinking of the best theme song I can sing for them now that they’re married. Any suggestions, peoples?" banggit ng paslit.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo) on

'Best days of my life'

Simula ng sikretong kasalan, sobrang saya aniya ni Matteo sa kabila ng sari-saring kontrobersiyang kinakaharap.

"It's our sixth day together and it's the best days of my life," sabi niya kahapon sa ulat ng GMA News.

"The best times kumbaga. We're blessed. We're all blessed." 

Patuloy naman niyang itinatanggi ang mga alegasyon na sinuntok niya diumano sa lalamunan ang close in security ni Sarah na si Jerry Tamara, matapos daw mapagkamalang itinimbre niya kay Mommy Divine ang pag-iisang-dibdib. — Philstar.com intern Gabrielle Ann Gabriel

MARRIED LIFE MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO SCARLET SNOW BELO VICKY BELLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with