Ivana
Ivana, malaki ang natanggap na mana sa ama
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Kapansin-pansin ang maganda at malaking bahay ni Ivana Alawi na nakikita ng netizens sa kanyang video blogs sa sariling YouTube channel. Ayon sa sexy actress ay nakatanggap siya ng mana mula sa ama na isang Moroccan. “Kasi apat kaming magkakapatid pero sa akin niya pinangalan lahat. Kasi ano ‘yun eh, sa daddy ko kaya hindi ko kino-consider na sa akin. Kasi hindi ko naman siya pinaghirapan. Para sa family ‘yon eh,” pagbabahagi ni Ivana.

Nakapagtapos ng culinary course ang dalaga dahil paghahanda niya raw ito para sa kanyang pag-aasawa. “’Yung dahilan kung bakit ako nag-culinary ay para sa asawa ko. Eh kasi sabi nila, ‘A way to a man’s heart is through his stomach.’ Housewife, gusto ko ‘yon talaga,” pagtatapat niya.

Masayang-masaya si Ivana dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makapagbibida na siya sa teleseryeng Ang Lihim Ni Ligaya. “I feel so blessed kasi parang ang laking project nito na pinagkatiwala nila sa akin. I never expected kasi ever since I love Dreamscape and they are the ones who gave me the opportunity na magkaroon ng show. My first show na parang may exposure was with Dreamscape. Sila talaga nagbukas ng pinto sa akin,” nakangiting pahayag ng aktres.

Tony, na-enjoy ang sex scenes with Lovi

Sa March 4 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Hindi Tayo Pwede na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Marco Gumabao at Tony Labrusca.

Kaabang-abang ang love scenes ng ginawa nina Lovi at Tony dahil ayon sa aktor ay pinangarap niya talaga itong gawin. “Kasi when I think of a sex scene I want to see two people na alam mo ‘yung kahit sex ‘yung nakikita mo, ikaw mismo ‘pag pinapanood mo siya, kinikilig ka. Kasi nakikita mo ‘yung passion, ‘yung love nila para sa isa’t isa. And I love it when I see people playing with shapes, figures, shadows and glimpses, parang that leads your imagination running wild. Nakikita mo talaga na these two people are in love. It takes away the sex part and it adds more na parang these two are madly in love with each other, and it’s so beautiful,” paliwanag ni Tony.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho ng aktor si Joel Lamangan. Sobrang kinabahan daw si Tony dahil sa dami ng kanyang naririnig tungkol sa batikang direktor pagdating sa trabaho. “No’ng first day, sinabi ko sa driver ko and sa RM (road manager) ko na kailangang sobrang aga namin sa set. One hour before the call time nando’n na ako. Tapos may isang scene kami na kailangan kong umiyak tapos hindi ko magawa. Pinatawag ako ni direk do’n sa kwarto, sabi ko, ‘Ito na, sasampalin na ako ni direk.’ Pero sobrang bait ni direk kasi lahat ng mga tanong ko, lahat ng mga concern ko, he was guiding me. When I was confused, he was clarifying what the character was going through para mas maintindihan ko. He is a very collaborative director. He didn’t make me feel like I was stupid. I honestly had such an enjoyable experience working with direk Joel,” paglalahad ng binata.

(Reports from JCC)

IVANA ALAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with