Nanay ng singer-actress ayaw sabihin ang dahilan kung bakit ayaw sa napangasawa ng anak
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Unti-unti nang naglalabasan ang mga kuwento tungkol sa matinding pagtutol ng ina ng isang sikat na female personality sa kanyang karelasyon.

Walang bagay na biglaan, nagkaroon muna ng mga pagtatangka bago naganap ang pagmamarakulyo ng ina ng singer-actress, hindi nagkulang ang mga taong pinagdidiskitahan ngayon ng mommy ng aktres.

Kuwento ng isang source, “Hindi lang minsan, hindi lang makalawa o makaikatlong beses kinausap ng mga kaibigan ng magkarelasyon ang mommy ng girl tungkol sa plano nilang pagpapakasal.

“Pero isa lang ang palaging sagot ni mommy, hindi siya papayag. Ayaw niya namang sabihin ang mga dahilan kung bakit, basta ayaw lang niya, ganu’n lang!

“May mga kaibigan ang pamilya nila na kumausap na rin kay mommy para payagan nang magpakasal ang anak niya, pero walang nagtagumpay, kontra talaga ang mommy ng girl sa boyfriend niya!

“Lahat ng mga nag-try, e, walang nagawa, takang-taka ang lahat kung ano ang reason, pero ayaw namang magsabi ni mommy ng mga personal reasons niya kung bakit!” nakataas ang kilay na kuwento ng aming source.

Nagpatulong na rin pala ang female personality sa kanyang mga kapatid, nakiusap siyang kausapin at pagpaliwanagan ang kanilang ina, pero wala pa ring nangyari.

Patuloy ng aming source, “Hindi kinausap ng mga utol niya ang mommy nila. Takot na takot sila, walang kahit sino sa family na nagkaroon ng lakas ng loob na kumausap kay mommy!

“Nu’ng wala na talagang paraan para pumayag si mommy ay saka pa lang nagplano ang magkarelasyon. Kailangan na nilang umaksiyon dahil maghihintay sila ng forever kung hindi sila gagalaw.

“’Yun na nga ang nangyari. Palihim na silang nakikipag-usap sa mga taong makatutulong sa kanila. Okey naman ang lahat, maraming tumutulong sa kanila.

“Kapag nalaman ng mommy ng girl kung sinu-sino ang mga tumulong sa kanila, e, baka sugurin sila ni mommy! Baka sabihan din sila ng mga walanghiya at traydor ng mommy ng girl!

“Pero napakarami niyang susugurin, napakarami kasing nakaintindi sa problema nu’ng dalawa, kaya lahat sila, e, nagkani-kanya ng trabaho para lang maganap ang kasalan!

“May umayos sa marriage license nila, may kumausap sa pamunuan ng church, naiayos nila nang tahimik ang lahat-lahat para lang matuloy na ang kasal!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kasal nina Matteo at Sarah, may mas malala pang naganap

Parang mga eksena sa pelikula ang naganap nu’ng sumugod si Mommy Divine Geronimo sa private dinner ng grupo ng mga bagong kasal na sina Matteo Guidicelli at Sarah.

Pinatunayan ng aming source na nag­kagulatan ang lahat ng mga nasa function room, para silang nakakita ng multo, habang sigaw nang sigaw si Mommy Divine.

Kuwento ng isang nandu’n sa restaurant, “Narinig namin ang mga kalampag ng mga nababasag na pinggan! Ang lakas-lakas ng boses nu’ng babaeng nagsasalita, minumura niya ang mga nandu’n!”

Ang relationship counselor naman nina Matteo at Sarah na si Ms. Letty Fuentes sa isang panayam ay nagsabi, “Gusto niyang sampalin si Matteo, she was ready for a fight! Sigaw siya nang sigaw, may nagmura pa yata.”

Sa pag-aawat nina Sarah at Ms. Letty kay Mommy Divine ay tumumba ang dalawa at napagulong sa sahig. May mga galos pa ngang ipinakita ang relationship counselor sa mga camera.

Pinatunayan din ni Ms. Fuentes na walang sinuntok si Matteo, lalong wala itong baril nu’ng mga oras na ‘yun, na kumokontra sa pahayag ni Jerry Tamara na close-in security ni Sarah na nakatikim daw ito ng suntok sa leeg mula sa groom.

Nakakatuwa naman ang paglalarawan ni Ms Letty Fuentes sa mga bagong kasal, “Matteo was crying, he really loves Sarah so much. Sarah was happy, para siyang nakawala. I’ve never seen her that confident.”

At ang palaging biruan nina Matteo at Sarah sa isa’t isa, “Akin ka na.”

Masalimuot ang naganap sa kanilang pagpapakasal pero walang kahit sinong makatutumbas sa kanilang kaligayahan ngayon dahil naipaglaban nila ang kanilang pagmamahalan.

FEMALE PERSONALITY MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with