^

PSN Showbiz

Wedding anniversary nina Sarah at Matteo maraming magiging memories

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Wedding anniversary nina Sarah at Matteo maraming magiging memories

Sobra talaga ang reaction ng publiko sa secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ha. Talagang hindi makapaniwala na nakuha pang magtrabaho ni Sarah at nailigaw ang iba na may magaganap na kasalan sa Shangri-la, The Fort. Siguro while waiting for his bride, grabe ang nerbiyos ni Matteo Guidecilli at while on her way sa venue sobra rin kaba ni Sarah Geronimo.

Type ko iyong action-packed drama romance nila Sarah at Matteo, bongga, parang pelikula na sobrang exciting. Sarap isipin iyan pag anniversary nila ha at ang gandang kuwento ng pag-ibig. Hahaha type ko mga kasalan ngayon ha, iba-iba ang drama.

Dapat talbugan ng susunod, hahaha.

Negosyo ni Rhea ‘di na mapigilan ang pagbongga

Sana mapadaan minsan si Rhea Tan ng Beautederm sa ating Take It... Per Minute! (Me Ganun) Salve. Grabe siya, tatlo-tatlo agad ang presscon niya for her Beautederm products.

Hindi talaga mapigil ang paglago ng business niya kasi nga, hands on sila ng asawang si Sam Tan sa pag-aalaga ng kanilang business.

Sobra rin ang suporta niya sa SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), sa Take It… Per Minute! (Me Ganun), sa mga showbiz writer na humihingi ng tulong niya. Kung magbibigay nga ng award ang Take It... isa si Rhea sa bibigyan namin nila Cristy at Mr. Fu dahil umpisa pa lang ipinakita at ipinadama niya ang suporta sa atin.

Kahapon magkasunod ang contract signing nina Carlo Aquino at Arjo Atayde.

Saan ka naman nakakita ng ganyan ka-sosyal na kumpanya.

Congrats Rei and Sam.

Pops perfect combination sa bagong manager

Puring-puri ni Jojie Dingcong ang alaga niyang si Pops Fernandez. Si Jojie pala ang bagong manager ni Pops kaya active na naman sa kanyang career. Isa sa pinaka-professional sa showbiz si Pops at isa rin sa pinaka-mabait.

Maganda ang pagkakasali ni Pops sa Centerstage hosted Alden Richards dahil naiba ang timpla ng kumbinasyon.

Balita rin na may gagawin siyang movie at mukhang exciting din iyon.

Well, good combination ang dalawa, sina Jojie at Pops dahil maganda agad resulta, magaan at mukhang both parties masaya. Goodluck to all the jobs ibibigay ni Jojie kay Pops.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with