^

PSN Showbiz

Ayaw makigulo sa reklamo ni Robin

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ayaw makigulo sa reklamo ni Robin
Coco

Mukha talagang walang aasahang sagot si Robin Padilla kay Coco Martin kahit ano pang gawin niya.

Katuwiran ni Coco, ayaw niya ng gulo.

Isa si Coco sa sumali sa ginanap na human chain ng mga employee at supporters ng ABS-CBN last Friday night at nagsalita nga si Coco na :“Nandito kami para ipakita na nagkakaisa kami, hindi para maghanap ng gulo o maghamon sa kahit anumang laban. Nandito kami para humingi ng tulong para ipanalangin na sana, bigyan ng linaw ng kalooban, ng pag-iisip ang Senate, ang lahat ng mga bumubuo ng mga dapat magbigay ng prankisa para sa ABS-CBN.”

Dagdag pa ng Probinsyano actor : “Hindi ko hahayaan na isang araw magising na lang ako na ‘yung pinagkakautangan ko ng loob, ng maraming empleyado, na nagbibigay sa’min ng hanap­buhay para matupad ang aming mga pangarap ay mawala na lang nang bigla.”

Anyway, sa last post naman ni Robin ay sinabi niyang hindi niya sasagutin ang mga ‘pangaral’ ni Nay Lolit Solis na inililihis nito (Robin) ang issue ng franchise renewal ng ABS-CBN at pinapanindigan ni Robin na nambuhos daw talaga si Coco na nauna nang itinanggi ng kampo ni Coco at sinabing isang biruan lang ang naganap some years ago at wala namang lumalabas na testigo o biktima.

“God is great! Pambihira nabasa ko ang mga banat at tira sa akin ni nanay lolit hindi po kita sasagutin dahil nanay po kitang turing papakinggan ko po lahat ang sinabi mo po pero hindi ko po kailangan sundin kayat bilang artista po pakinggan mo rin po ang sinasabi ko po ang ginagawa ko po ay pakikipaglaban para sa karapatan ng mga maliliit na manggagawa ng abscbn at nanay lolit ang pagbuhos po ng tubig ay totoong naganap at mismong ang reyna ng pelikulang pilipino ang nagbawal po kay direk coco na wag gagawin yun dahil po kahit minsan ay hindi po ginawa yun ng hari ng pelikula na si FPJ salamat po,” bahagi ng IG post ng mister ni Mariel Rodriguez na hinuhulaang ‘di na babalik sa It’s Showtime.

Negative ang reaction ng karamihan sa nasabing latest post ni Robin.

Sagot ka ‘Nay Lolit ha...

GMA-7, nagpapa-audition para sa Voltes V: Legacy!

Good news para sa mga gustong mapasali sa isa sa biggest projects ng Kapuso Network dahil magkakaroon ng audition ang GMA para sa isa sa mga karakter ng programa.

Ayon sa Instagram post ni Direk Mark Reyes, naghahanap ang kanilang team ng mga lala­king hindi bababa sa 5’8 ang height, may kaalaman sa martial arts, 18-20 years old, at malaki ang pangangatawan.

Ngayong Lunes (Pebrero 24) simula 11AM sa GMA Annex building ang audition para sa role na ito.

Malay n’yo ito na ang chance mo na maki-volt in sa much-awaited live action remake na Voltes V: Legacy ng GMA Network.

vuukle comment

COCO MARTIN

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with