^

PSN Showbiz

Ejay natatakot mawalan ng trabaho!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ejay natatakot mawalan ng trabaho!
Ejay

Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN na mapapaso na sa susunod sa buwan. Isa si Ejay Falcon sa mga artistang malulungkot kung sakali mang titigil sa operasyon ang TV network kapag hindi na-renew ang prangkisa nito.

Ayon kay Ejay ay talagang malaki ang naitulong sa kanyang buhay ng Kapamilya network. “Siyempe ABS-CBN ang nagbigay ng daan para maging artista o isang aktor ako na siyang hanapbuhay ko ngayon. Mula sa pagiging probinsyano na gustong makatulong sa pamilya, nandito na ako ngayon, napapanood ng marami at naibibigay ang  pangangailangan ng magulang ko at mga kapatid ko,” makahulugang pahayag ni Ejay.

Matatandaang sumali ang aktor sa teen edition ng Pinoy Big Brother noong 2008. Mula nang tanghaling PBB Big Winner ay nagtuluy-tuloy na si Ejay sa pagiging isang artista kaya malaki ang utang na loob ng aktor sa ABS-CBN. “‘Yon ang bumago sa buhay ko eh. Sa loob ng Bahay ni Kuya, do’n ko din nakilala ang sarili ko at mas tumibay din relasyon namin ng tatay ko. Binago nito buhay ko, wala ako dito ngayon kung hindi nila ginawa ang PBB. Kung hindi sila gumawa ng programa na magbibigay ng pagkakataon sa mga maliliit na tao na katulad ko na nangangarap lang sa lugar namin sa Mindoro, wala naman ako dito ngayon. Sila ang naging daan talaga para mabago ko ang buhay ko, at ng pamilya ko,” emosyonal na pahayag ng binata.

Aminado si Ejay na nakararamdam ng takot at hindi pa alam ang gagawin kung sakaling titigil na siya sa pagiging artista. “May mga naitabi din akong konting naipon na magagamit pangnegosyo. Pwede din akong mag-aral uli. Ang hirap isipin sa totoo lang kung ano gagawin ko ‘pag nagsara ABS. Kasi buhay ko na ‘to eh. Tahanan ko na ang ABS-CBN. In the end, pipiliin natin umuwi sa ating tahanan kasi mas do’n tayo masaya, do’n tayo mas buo,” pagtatapos ng aktor.

Jason Dy masaya kina Matteo at Sarah

Masayang-masaya si Jason Dy sa pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong February 20.

Ang Popstar Royalty ang naging coach ng binata noong sumali at nagwagi sa ikalawang season ng The Voice Philippines.

“Unang-una congratulations siyempre kay Coach at kay Matteo. I’m very, very happy for the both of you. Nag-post ako no’ng Valentine’s day ng photo nila. ‘Yung pinakita ni Coach Sarah ‘yung ring. Sabi ko kahit wala na ako ka-date, basta ‘yung dalawang ‘yun masaya,” nakangiting bungad ni Jason.

Samantala, isang bagong album ang pinagkakaabalahan ng singer ngayon. Espesyal ito dahil si Jason mismo ang nagsulat sa karamihan ng kanta para dito. “This 2020 definitely new music. Very excited about this project kasi it’s my sophomore album and new single of course. Majority of the songs ako ‘yung sumulat. Very excited about that and I can’t wait for everyone to hear new stuff,” pagbabahagi niya.  (Reports from JCC)

vuukle comment

ABS-CBN

EJAY FALCON

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with