Sharon
True ba? sharon nanakawan ng worth P20 million ng alahas ng kapamilya?!
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

True ba na worth P20 million jewelries ang nakuha kay Sharon Cuneta ng isang kapamilya niya?

Diumano, ayon sa source ng Take It... Per Minute (Me Ganun), hiniram lang daw ang mga nasabing alahas ni Megastar ng isang malapit na kapamilya niya na worth P20 million nga pero nang binabawi na raw nito ang mga nasabing alahas ay hindi na diumano ito maibigay.

At nang pa-imbestigahan daw ni Sharon, isinanla na raw ito sa mga loan shark.

Nag-hire pa raw si Mega ng private investigators para sa hindi na maisoling mga inipon niyang alahas.

At gustuhin man daw itong tubusin ni Mega sa mga loan shark, nag-lapse na ang pawn maturity date kaya hindi na ito mababawi kahit kailan ni Sharon unless bilhin niya uli ayon pa sa source ng TIPMMG.

At mas nagalit diumano si Sharon nang malaman nito kung saan ginamit ang perang nakuha sa pagsasanla ng mga nasabing alahas.

Ito nga kaya ang tunay na rason kaya siya naka-hibernate sa social media matapos ang mga post tungkol sa panloloko diumano ng isang taong malapit sa kanya?

Nawala na sa IG ang ibang hugot post ni Sharon nang i-check ko kahapon ang IG account niya.

Nagkaroon ng idea ang lahat tungkol sa problema sa panloloko kay Mega nang magpost siya : “My Mommy used to say: ‘You lose your money, you lose a lot. You lose your friends, you lose more. You lose your name, you lose everything.”’Now I add: “ If you lose your name over money, you’re worse. If you lose your name over the money of someone who loved, trusted, and protected you, you are the worst.” God please help me to forgive. Such a betrayal. The kind na ayaw mo makapatay, pero kung wala akong asawa at mga anak, idadasal ko na lang kunin na ako ng Panginoon sa sakit. And this, btw, is not an employee or a co-worker. And this is hopefully the last time I will have to vent and post about this.”

Bukas ang pahinang ito sakaling gustong magbigay ng pahayag ni Sharon o kung may gusto siyang i-korek.

Anyway, tuloy pa rin hanggang sa Tuesday ang anniversary episode ng Take It... Per Minute! (Me Ganun).

Today ang exact date nang mag-umpisang mapanood sa digital platform ng Pilipino Star NGAYON ang no. 1 digital talk show sa kasalukuyan hosted by Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with