^

PSN Showbiz

Take It…! kumpirmadong maraming nanonood

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Take It�! kumpirmadong maraming nanonood
Mr. Fu , Manay Lolit and Manay Cristy

Hay naku, third week na ng ating month long anniversary Salve sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) na hanggang ngayon hindi ko pa rin napapanood ng buo kahit isang episode dahil nga sa kabobohan ko sa Facebook. Huhuhu.

Pero naniniwala ako na maraming nanonood sa atin kasi nga meron nang mga kabataan na nakikipag-selfie sa akin at sinasabi na napanood nila kami nina Cristy at Mr. Fu sa Take It... Per Minute! (Me Ganun). Hindi na rin ang Startalk ang sinasabi nilang batiin ko sila, kundi sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) na.

Siguro pag second year anniversary natin, makakapanood na ako kahit isa man lang episode dahil tuturuan mo na ako kalkalin ang telepono ko Salve, hahaha.

At sa nagtatanong kung tuluy-tuloy ba ang catering sa show namin, hindi po, ngayon February lang po dahil anniversary month namin at marami nakuhang sponsors si Cristy na Asian friends niya para mabigyan na kami ng bonus ni Salve at taasan na ang suweldo namin nila Mr. Fu, hahaha joke lang para ma-stress si Salve. 

Producers, ganado sa gaganaping summer filmfest

Excited na ang lahat ng producers sa nalalapit na Metro Manila Summer Filmfest. Kaya naman tuwang-tuwa ang spokesperson nilang si Noel Ferrer na marami ang nagpakita ng interest, at wish namin makapasok ang pelikula nina Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez, Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao, kung isasali ang Kid Alpha ni Javi Benitez, at ang pelikula na submitted nina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Dapat maging exciting ang Summer Filmfest para lalo itong umingay at mapansin, at every year tangkilikin ng fans.

Sana nga magtagumpay ito para twice a year meron gift na tickets sa akin si Noel na laging abala sa promo ng MMFF at ngayon itong Summer Filmfest.

Go go tayo, manood, tangkilikin ang pelikulang Tagalog, para naman ma­ging masigla na uli ang showbiz. 

Papa Raffy kinuhang manager si Ogie

Bongga si Papa Raffy Tulfo, Salve. Kinuha na niyang official manager si Ogie Diaz dahil sa sobrang dami ng mga kumakausap sa kanya na kadalasan hindi niya mahindian kaya kailangan na ang professional help ng isang manager na tulad ni Ogie Diaz.

Palagay ko dahil na rin sa as of now nasa top of the line bilang endorser si papa Raffy Tulfo dapat lang at sure ako na lalo pang magiging hot dahil sa expertise ng isang Ogie Diaz na naging lucky charm nina Vice Ganda at Liza Soberano.

Ang ganda ng magiging kumbinasyon nila sa business at tunay na kahanga-hanga na naisipan ng i-professionalized ni Papa Raffy ang kanyang mga business deal. Tambalan Raffy/Ogie, bonggang loveteam, hahaha!

vuukle comment

MR. FU

SALVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with