^

PSN Showbiz

24 na pelikula pinagpipilian sa Summer filmfest

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Dalawampu’t apat na pelikula ang na-submit sa MMFF Executive Committee para sa Summer Metro Manila Film Festival.

Apat doon ang na-submit na noon sa MMFF nung Pasko pero hindi ito pinalad na makapasok.

Alam ko kasama roon ang Tagpuan nina Cong. Alfred Vargas at Iza Calzado, at ang Isa Pang Bahaghari ni Nora Aunor.

Maganda ang feedback sa pelikulang ito, kaya sana ma-consi­der na ipasok sa pang-Summer na MMFF.

Tinapos naman nung nakaraang linggo ang Coming Home nina dating Sen. Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez, at naihabol nila ito sa deadline ng submission nung nakaraang Sabado, February 15.

Ang isa pang narinig kong isinumite ay ang A Hard Day ni Dingdong Dantes.

Abangan na lang natin sa announcement nito sa March 2.

Annabelle inokray ang relasyon ni Vice kay Ion

Maganda ang rating ng pagsisimula ng Wowowin Primetime nung nakaraang Sabado, February 15.

Nakasanayan na kasi ng lahat na mula Lunes hanggang Biyernes lang ito napapanood at nagri-rate rin ito.

Nung nakaraang Sabado lang sinimulan ang Primetime episode nito at nakakakuha ito ng 11.5 percent ayon sa AGB NUTAM. Samantala ang katapat nitong Home Sweetie Home ay naka-8.6 percent.

Pero may kalakasan talaga ang The Voice Teens kaya nabalik sa Kapamilya network ang mga televiewer.

Naka-12.4 percent ang The Voice Teens at 9.9 percent ang katapat na Daddy’s Gurl.

Kahit nga ang Magpakailanman na kung saan sinubukan ang tambalang Kristoffer Martin at Rita Daniela ay naka-10.5 percent lang, at natalo ito ng tambalan nina Enzo Pineda at Yen Santos sa Maalaala Mo Kaya na naka-12.2 percent.

Nung nakaraang Linggo naman ay muling na­nalo ang All-Out Sundays na maaring inabangan ang guesting ng Blind Balladeer ng Bacolod na si Carl Malone Montecillo.

Pagdating ng gabi, nanatiling malakas pa rin ang The Voice Teens na naka-13.5 percent at 9.5 percent naman ang pilot episode ng Centerstage.

Nakakaaliw naman ang guesting ni Tita Annabelle Rama sa Gandang Gabi Vice na kung saan pinagsabihan niya ang comedian/TV host na huwag basta maniwala sa mga batang karelasyon, dahil hindi naman daw ‘yan magtatagal. Tumitili na lang si Vice Ganda na sinasabi niyang basang-basa na raw ang kili-kili niya sa mga pinagsasabi ni Bisaya.

Pero nanatiling malakas pa rin ang katapat na Kapuso Mo Jessica Soho na naka-16 percent at 6.5 percent lamang ang GGV.

Magkaiba ang provider ng survey ng ABS-CBN at GMA 7.

Migo pinupuri ni Amy

Marami na ang nakapansin sa galing sa pag-arte ni Migo Adecer na bahagi ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

Puring-puri siya rito sa bagong drama series nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Pati ang ibang magagaling na aktres na nakatrabaho ng young actor at namangha sa galing niya.

Nabanggit nga sa amin ni Amy Austria nung nag-guest daw siya sa Sahaya, doon daw niya nakitang magaling pala itong si Migo.

Kahit sanay itong mag-English, naha-handle niya nang maayos ang Tagalog na dialogue.

Magaling daw mag-timing at plakado raw ang atake sa mga eksena kahit mabibigat ito.

Konti na lang dapat na nga sigurong bigyan ng magandang project na puwedeng pagbidahan ni Migo.

vuukle comment

MMFF EXECUTIVE COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with