^

PSN Showbiz

Batang-batang aktor na masungit at may kakambal na yabang sa katawan, unti-unti nang naglalaho ang career

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagpapatunay na may kasupladuhan ang isang bagets male personality. At hindi lang basta suplado, may kakambal pang kayabangan ‘yun, kaya maraming naiilang sa kanya.

Kuwento agad ng isang source, “Sige lang, magmaangas na siya hanggang gusto niya, dahil one day, e, baka wala nang kinikilig at tumitili kapag nakikita siya!

“Tandaan sana ng young male personality na ‘yun na napakabilis ng transition ngayon ng mga artista, everyday halos, e, may bagong mukha na lumalabas, kaya huwag siyang pakasiguro sa position niya ngayon!

“Inaalagaan ang ganyan, hindi ipinagmamayabang, baka isang araw, e, magising na lang siya na wala na pala siya  sa gitna ng laban,” madiing komento ng aming impormante.

Sa isang malayong probinsiya ay may kumuha ng serbisyo ng young male personality at sa kanyang ka-loveteam-girlfriend. Pagdating pa lang niya sa airport ay magkasalubong na ang kanyang mga kilay.

Kuwento ng isang source, “Naka-black shades siya, pero hindi nu’n naitago ang kasupladuhan niya, para bang inis na inis siya samantalang daang libo ang kapalit ng paggising niya nang maaga papunta sa airport.

“Natural, dahil sikat siya, e, may mga gustong magpa-picture sa tabi niya. Parang sinabihan niya ang kasama niya na huwag muna, antok na antok pa raw siya, maya-maya na lang kapag gising na ang diwa niya!

“Wala namang magawa kahit ang girlfriend niya, mukhang spoiled sa girl ang young male personality, sunud-sunuran lang siya!

“Kung ayaw niyang may nagpapa-picture sa kanya, e, di sana, hindi na lang siya nag-artista? Kasama ‘yun sa pinasok niyang trabaho, pasalamat nga siya at may pumapansin sa kanya!

“Hanggang sa boarding time na, hindi na niya pinagbigyan ang mga may gustong makipag-selfie sa kanya, nakalusot ang mokong!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Nararamdaman na ngayon ang pagtamlay ng career ng bagets actor, hindi na siya kasing-init na tulad nang dati, nakaapekto sa karera niya ang pagpapalutang ng kawalan ng utang na loob sa isang produksiyong napakalaki ng naitulong sa kanya.

Nabubuwisit na komento ng aming source, “Ayan na! Nagsisimula na ang sumpa sa career niya! Nagkakawindang-windang na siya! Magsuplado pa siya uli, sige lang, dahil one day, e, wala nang papansin sa kanya!

“Magpakita na kaya siya ng legs para bumawi ang career niyang palugmok na! Nakakaloka ang legs ng mokong na ‘yun! Chicken legs!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Fans nag-aalala nasa tunay na sakit ni kris

Kabi-kabilang tanong ang tinatanggap namin ngayon tungkol sa tunay na kalagayan ni Kris Aquino. Ano raw ba talaga ang kanyang sakit?

Nu’ng nakaraang birthday ng aktres-TV host ay pinasok siya sa kuwarto ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby para personal na batiin.

Sabi ng isang kaibigan naming nag-aalala, “May cake siyempre dahil birthday niya, di ba? Nu’ng ibigay ni Josh sa kanya ang cake, awang-awa kami kay Kris dahil sabi niya, e, hindi niya kayang buhatin ‘yun.

“Halatang-halata sa boses at galaw niya na hinang-hina siya! Ano ba talaga ang dinaramdam niya? Maayos ba siya? Bakit kailangang may mga doktor na nagpupunta sa bahay niya every now and then para i-check siya?” tanong ng aming kaibigan.

Ganu’n din ang pag-aalala kay Kris ng iba pa naming nakakausap, bakit daw parang habang tumatagal ay lalo pa siyang nanghihina, bakit daw puro wellness retreat ang pinupuntahan niya?

“Is there something na hindi natin alam about her? Nakaka-alarm na kasi ang mga nangyayari sa kanya, nakakaawa naman siya. Napakagaan ng cake na ibinigay sa kanya ng anak niya, pero hindi raw niya kayang buhatin?

“Talaga palang nanghihina na siya. Matagal na siyang nagpapagamot sa ibang bansa, pero hanggang ngayon ba, e, wala pa ring linaw kung ano ang cause ng pagkakasakit niya?” concerned na pang-uusisa sa amin ng isa pang kaibigan.

Milyonarya si Kris, anumang prosesong kailangan para sa kanyang paggaling ay kayang-kaya niyang tustusan, pero naiinip na ang kanyang mga tagahanga sa resulta ng mga pinagdadaanan niya.

Sana nga, isang araw ay may magandang balita na si Kris Aquino tungkol sa totoong estado ng kanyang kalusugan, harinawa.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with