Mariel mas dedma na sa bashers, focus sa career sa Amerika
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2020 - 12:00am

Masayang kinuwento sa amin ni Christopher de Leon na nai-enjoy na raw ngayon ng anak na si Mariel de Leon ang kanyang career na sinimulan sa New York. Hindi naman daw nila mapapakialaman ang desisyon ng anak nila dahil napaka-independent daw nito. “She lived in New Zealand with her brother. Dun siya nag-graduate.  And now, sa brother niya, sa bunso kong lalaki na si Gabriel siya nag-stay muna sa New York. Pero ngayon ikinuha na namin siya ng apartment,” kuwento ni Boyet.

May kontrata raw si Mariel sa agent niya sa New York for three years, kaya doon daw muna siya.

Bukod daw kasi sa mga fashion shows, nag-a-audition daw doon si Mariel para sa movies at ilang TV shows.

Pero aware naman si Boyet na kahit nasa Amerika ang kanyang anak, hindi pa rin ito nakakaiwas sa mga basher. Araw-araw daw silang nag-uusap through FaceTime at updated daw siya sa mga ginagawa roon ni Mariel.

Hindi na lang daw nila pinapansin ang mga namba-bash, dahil sa mga positibong bagay na lang daw sila naka-focus. “Basta positivity lang ang kanyang anchor and of course God. Nagpapasalamat na lang ako to the people who appreciate her.

“She didn’t mind dun sa mga basher niya. Mas less na mga basher niya ngayon eh, when she was here,” napapangiting pahayag ni Boyet pagkatapos niyang pumirma kahapon bilang bagong brand ambassador ng Beautederm.

Excited nga si Ms. Rhea Tan ng Beautederm dahil halos kumpleto na raw siya sa mga de kalibreng artista ang nag-i-endorse ng mga produkto niya. “Si Sharon (Cuneta) na lang puwede ko na masabi complete na ako sa mga endorser ko,” masayang tsika sa amin ni Rhea.

Dagdag si Boyet sa mag-endorse ng mens line ng Beautederm. Excited siyang gamitin ang Beau na charcoal soap at iba pang panlalaking produkto nito dahil kaila­ngan naman daw talagang ingatan ang sarili lalo na ang kanilang mukha.

Ina nagpasalamat kay JLO

Speaking of pag-alaga sa katawan, nakakatulala ang kaseksihan ni Ina Raymundo nang dumalo  sa Film Ambassadors’ Night na ginanap sa Maybank Thea­ter, BGC nung nakaraang Linggo.

Naka-terno blouse na halos luwang-luwa ang cleavage. Kasi Pinoy Rock daw ang motif kaya iyun ang suot niya na hapit na hapit pa na jeans ang suot niya. “Well... sumikip. Actually, napadami ang kain ko kahapon. Napunta lahat doon. I know. Sorry po, ha? Ang attire namin kasi is Rock Filipiniana.”

Lumpiang toge raw ang nilantakan ni Ina, na “nagpasikip” sa kanyang gown. Kering-keri naman niyang dalhin iyon.

Nakakatuwa naman daw dahil sa edad niya naa-appreciate kung paano nila alagaan ang katawan niya. Mag-45 years old na si Ina, at kagaya nina Lorna Tolentino, Alice Dixson, Amy Austria, Sunshine Cruz, at iba pang aktres na halos kaedaran nila, inaalagaan pa rin nila ang kanilang katawan at desirable pa rin at pinagnanasaan pa ng ibang bagets.

Kahit alam ng mga tao na married na siya, may guys pa rin bang nagpaparamdam sa kanya? “Wala, kasi naman, of course! If they know that I’ve five children... that’s you know, a big responsibility, right?” pakli ni Ina. “Salamat, salamat. I’m so happy na you know, age is just really a number now. Right? Na parang... salamat kay JLo. Kasi, siya talaga ‘yung nagpataas ng ano, ng bar, standard — na kahit 50 ka, you can still rock it and you can still have the time of your life. Di ba? “

CHRISTOPHER DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with