Local tourism makikinabang sa coronavirus!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2020 - 12:00am

Naku, sa dami ng travel advisories at ban mukhang matatagalan bago maulit ang biyahe ko abroad.

At totoo ang sabi ni Senator Cynthia Villar na baka dahil dito maisip ng mga kababayan natin na dito na lang sa Pilipinas maglibot na mas makaka­tulong pa sa local tourism natin.

Sana rin tangkilikin natin ang kaka-launch lang nila Sec. Berna Romulo Puyat at Mayor Isko Moreno na Pasig ferry na para sa isang bata na tulad ni Scarlet Belo ay masarap na karanasan.

Iyon MagikLand sa Bacolod, ang Boracay at Palawan na kahit foreigners  ay nai-inlove. Doon na tayo mamasyal ngayon.

Tama si Senator Cynthia puwedeng big boost sa local tourism ang nagaganap ngayon nCoV scare.

Hay naku mas maganda naman talaga Pilipinas noh, huwag na tayong lumabas. dito na lang tayo biyahe. 

Respeto hindi nahihingi

Puring-puri ni Cristy Fermin bilang concert producer ang pagiging very professional, team player at bait ni Pilita Corrales.

Siguro naman, sa ilang dekadang pagiging singer ni Pilita hindi siya magtatagal kung hindi naging mahusay ang pakikisama niya sa tao.

Even before pa, lagi mong maririnig na pinupuri siya ng mga kasamahan, hinahangaan hindi lang sa pagkanta kundi sa pakikisama.

Gawin mong barometer iyong kahit ano pang intriga sa lovelife, never ginawang sensational ng mga showbiz writer dahil sa taas ng paggalang nila kay Pilita.

Iyan dapat ang matutuhan ng mga bagong singer o kahit artista, na ang respeto ay hindi hinihingi, kusang binibigay, that love begets love, kaya naman mula noon hanggang ngayon Pilita Corrales is Pilita Corrales.

Mas mahalaga ang kaligayahan

Para talagang magic / potion ang love. Nakita mo how young looking si Dra. Vicki Belo mula nang ikasal sila ni Dr. Hayden Kho. At nakita mo rin na walang paki si Vice Ganda sa lahat ng intriga sa kanila ni Ion Perez, basta maligaya sila.

Iyon naman ang mahalaga, ipaglaban mo ang feeling mo at responsibility mo sa sarili mo.

Pagkatapos ng kung anu-anong kontro­­bersiya, nanaig pa rin ang love nina Vicki at Hayden.

Siguro ganundin ang mangyayari kina Vice at Ion, sige lang, take the blows, pero sa dulo makikita nila na maligaya tayo at together forever.

Kaya sabi nga Dra. Vicki kay Vice Ganda, iyon love ninyo is an inspiration.

Hay naku love month of February, spread love love love. 

CYNTHIA VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with